Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Alvarez ‘tuta’ ni Fariñas

SI Rep. Pantaleon Alvarez o si Rep. Rudy Fariñas ba ang Speaker ng House of Representatives?

Tiyak ang isasagot ng marami ay si Alvarez. Pero kung pakasusuriing mabuti, luma-labas na ang tunay at ang umaaktong speaker ng Kamara ay si Fariñas. Sa papel o titulo lamang si Alvarez bilang Speaker ng House of Representatives.

Maituturing na ‘tuta’ ni Fariñas si Alvarez, at lumalabas na ano mang gustuhin ng Ilokanong kongresita, tiyak na masusunod. Walang palag si Alvarez lalo na kung ang usapin ay legislative investigation na kontrolado lahat ni Fariñas.

Kung pag-aaralang mabuti, lumulutang ang pangalan ni Fariñas kung ang pinag-uusapan sa Kamara ay pabor sa kanya pero kapag kaliwa’t kanang kontrobersiya na, tiyak ang pa-ngalan lang ni Alvarez ang nakabuyangyang sa media.

Kawawa si Alvarez dahil mukhang naga-gamit lang siya ni Fariñas. Lumalabas tuloy na uto-uto at sunud-sunuran lang si Alvarez sa kanyang majority leader. At kung ano ang ‘kumpas ng kamay’ ni Farinas ito ang sinusunod niya.

Kanal na kanal si Alvarez. Kamakailan lang kasi, imbes si Fariñas ang makabangga ng Court of Appeals, si Alvarez ngayon ang napag-iinitan ng taongbayan dahil sa pagtatanggol niya sa patuloy na pagkakakulong sa anim na empleyado ng Ilocos Norte provincial government na tinaguriang “Ilocos 6.”

Kamote talaga si Alvarez! Hindi naman siya ang nagpakulong sa “Ilocos 6” e, bakit siya ang pumapapel para ipagtanggol ang nasabing ma-ling ginawa ni Fariñas? Mantakin ba namang sabihin nitong si Alvarez na ‘gago’ ang tatlong justices ng CA na nag-uutos sa Kamara na palayain ang “Ilocos 6” at pinagbantaan pa ang buong CA na ipabubuwag ito?

Bugbog-sarado ngayon sa puna itong si Alvarez, samantalang si Fariñas, pakuya-kuyakoy lang dahil nakaiwas kahit siya naman talaga ang may pakana sa pagpapakulong sa “Ilocos 6.”  Hindi na naisip ni Alvarez na may kapangyarihan ang CA na ipagkaloob ang habeas corpus petition ng mga akusado para sila ay makalaya.

Sa ngayon, halos tatlong linggo nang nakakulong ang “Ilocos 6” dahil sa kagagawan ni Fariñas. Kapwa Ilokano ang pinarurusahan ni Fariñas kahit hindi pa napapatunayan na sila ay may nagawang kasalanan.

Sinabi ni Fariñas na bubulukin sa pagkakakulong hanggang sa pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo ang kanyang anim mga kababayang Ilokano matapos niyang ipa-contempt dahil sa hindi raw pagsasabi nang totoo sa ginawang pagdinig ng Kamara.

Kontrolado nga ni Fariñas ang Kamara, at ang lahat ng kanyang magustuhan ay kanyang nagagawa bilang isang mambabatas.  Sabi nga: ”Na kay Alvarez ang hirap, na kay Fariñas ang sarap!”

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *