Wednesday , January 1 2025

NCCA at DOT, naglunsad ng KulTOURa mobile na gabay sa paglalakbay

[19 Hunyo 2017, Maynila] Mayroon nang bágong mobile app na makatutulong sa mga turista sa kanilang paglalakbay sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malalim na tangkilik sa kultura at kasaysayan ng Filipinas. At bilang dagdag, mainam din ito para sa mga mag-aaral.

Ito ang KulTOUra gabay sa paglalakbay sa Filipinas na inilunsad ngayon ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at Kagawaran ng Turismo (DOT) katuwang ang wireless subsidiary ng PLDT, ang Smart Communications at InnoPub Media.

“The Kultoura app features information on heritage sites, historic schools and churches, nature parks, popular attractions, famous landmarks and other must-see places in various parts of the country. The app also contains colorful details of the history of selected cities and provinces, including their famous personalities, delicacies and other interesting trivia.”

Tampok sa KulTOURa app ang impormasyon hinggil sa mga pamanang pook, makasaysayang paaralan at simbahan, parkeng pangkalikasan, tanyag na palantandaan at iba pang tanawing bahagi ng bansa. Laman din ng app ang makukulay na detalye ng kasaysayan ng piling lungsod at lalawigan, kasama na ang mga personalidad, pagkain at pasalubong, at iba pang kaalaman na nakapupukaw-interes.

Mada-download nang libre sa iOS at Android, ang nasabing app ay patuloy na pinauunlad upang makapagbigay nang mas makabuluhang nilalaman at makahikayat sa mga manlalakbay na tuklasin ang bansa. Sa hinaharap, makapaghahandog ito ng serbisyo tulad ng chat bot, na magbibigay ng awtomatikong payo sa paglakbay; magkakaroon ng mga virtual na paglalakbay; at makabibili sa digital na paraan.

Kahit naunang idinesenyo para sa mga turista, makatutulong nang husto ang mobile app para sa mga mag-aaral. Ang komprehensibong impormasyon sa app ay makatutulong upang magkaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.

“Ginawa ang Kultoura app para makatulong sa mga turista at estudyante upang mas matuto pa sila hinggil sa kultura at pamana ng Filipinas. Makatutulong rin ito sa mga banyagang may interes sa mayamang kasaysayan at magagandang tanawin ng ating bansa,” sabi ni Virgilio S. Almario, Tagapangulo ng NCCA.

Upang mapaunlad pa ang danas ng paglalakbay, magbibigay rin ang Smart ng mabilis na Wi-Fi at mag-i-install ng quick response (QR) code at NFC (near-field communications) chips sa mga muhon ng mga piling lugar upang makuha ang karagdagang impormasyong gámit ang phone scan.

Ang Kultoura app, ang muhong panturista at pagbibigay ng high-speed connectivity ay bahagi ng programang Turismong Digital, na inilunsad ng InnoPub at Smart noong 2012 katuwang ang mga lokal na pamahalaan. Layon ng programang Turismong Digital na magamit ang teknolohiyang mobile upang maitaguyod ang turismo at preserbasyon ng mga pook pangkultura at pamana. Naimplementa na ito sa mga pook tulad ng Baguio, Bohol, Albay, Dapitan, at Davao.

“Gusto naming tulungan ang mga biyahero na mag-enjoy at danasin nila mismo ang mayamang kultura at pamana ng Filipinas,” sabi ni Ramon R. Isberto, Puno ng Pangkat para sa Public Affairs ng PLDT at Smart. “Ang mga inobasyon tulad ng Kultoura app ay bahagi ng mga pagsisikap ng Smart na magbigyan ng kakaiibang paglalakbay ang mga banyaga at lokal na turista,” dagdag niya.

“Palagi na nating kasama sa biyahe ang ating mga mobile phone. Ito ay ating tagahatid-mensahe, kamera, mapa, at tour guide. Sa programang Turismong Digital, ang mahahalagang makasaysayan, pangkultura at pamanang impormasyon ay maipakakalat na sa mga turista gamit ang mga mobile device,” ani Max Limpag, ka-tagapagtatag ng InnoPub. “Marahil ang KulTOURa app, na naglalaman ng impormasyon sa mga pook pangkulturang nagmula mismo sa NCCA, ang pinakakomprehensibong app na gabay sa paglalakbay sa Filipinas sa ngayon.”

Samantala, ang pagkakaroon ng mabibilis na Wi-Fi sa pook panturista, ay umaagapay sa patuloy na pagpapalawak ng LTE. Magagamit ito sa mga paliparan, pantalan, at mga terminal sa buong bansa, kasama na ang mga tambayan gaya ng food park, upang tumaas pa ang konektibidad ng mga nagmamadaling gumagamit.
Sa tulong ng Kagawaran ng Impormasyon at Teknolohiyang Pangkomunikasyon, inilunsad kamakailan ng Smart ang Wi-Fi na carrier-grade sa mga estasyon ng MRT at sa EDSA upang mapaglingkuran ang mga komyuter na binabagtas ang pinakaabalang highway ng bansa.

Kasama sa paglulunsad sina Tagapangulo ng NCCA Virgilio S. Almario, Undersecretary for Oversight Function for Legislative Matter ng DOT na si Falconi Millar, Puno ng Public Affairs ng PLDT Ramon Isberto at mga kinatawan mulang National Parks Development Committee at ang anim na nakakabit na pangkulturang ahensiya ng NCCA.

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *