Friday , November 22 2024

Mag-ingat sa notoryus na basag kotse gang sa Roxas Blvd to MOA

PUMUTI na po ang buhok natin sa Metro Manila pero kahapon lang natin naranasan mabasagan ng kotse.

Opo, isang nakalulungkot na karanasan, nakapanghihilakbot lalo na kung ang mabibiktima nitong mga animal na ito ay walang ibang maaasahan kundi ang nasikwat nila.

Kamakalawa ng gabi, hindi lang po tayo complainant, sumama na rin tayo sa imbestigasyon at napatunayan natin marami nang nabibiktima ‘yang basag-kotse gang na ‘yan.

Simpleng-simple ang tirada ng mga animal, walang 3 minuto magagawa nilang basagin na walang ingay ang windshield para makuha nila ang valuable items sa loob ng sasakyan.

Masyadong malalakas ang loob nila dahil gabi kung tumira sila. Iikutin ang buong paligid, sisipatin ng magka-tandem kung ano-ano o sino-sino ang mga taong nasa paligid.

Kapag nakita nilang hindi mainit ang sitwasyon, saka sila titira ng bibiktimahin.

At ‘yan ay sa pamamagitan ng tinatawag na ceramic shards mula sa spark plug.

Ihahagis lang nila ito sa windshield, aalis sandali para hindi sila mahalata. Maya-maya babalik at walang kahirap-hirap na itutulak ang windshield.

Buong-buong babagsak ang windshield, walang ingay na makatatawag ng pansin sa iba. Saka ipapasok ang kalahati ng katawan para sikwatin kung ano ang masisikwat.

Malaking isda rin ang nabingwit ng basag-kotse gang.

Mahilab-hilab ‘ika nga bukod pa sa prehuwisyong kailangang magpalit o magbago ng mga importanteng dokumento.

I must say, it was a lesson.

Kuwidaw lang sa mga sumikwat, may patibong diyan bukod sa sandamakmak na kamalasang aabutin ninyo.

Kapag nagkamali kayo, isang bitag lang kayong lahat!

‘Yung cash na nakuha ninyo, gamitin sana ninyo sa mabuting bagay para makapagbagong-buhay na kayo!

Huwag ninyong susubukang balikan ang modus operandi ninyo dahil tiyak na darating ang araw na pagsisisihan ninyo o ng pamilya ninyo ‘yan.

Sabi nga e, tapat-tapat lang ‘yan…

By the way, nagpapasalamat tayo kay Pasay City chief of police (COP) S/Supt. Dionisio Bartolome, kay Station Investigation and Detective Management Branch (SIDM) head, C/Insp. Rolando Baula sa mabilis na aksiyon. Umaasa tayo na magwawakas na ang modus operandi ng sindikatong ‘yan.

Nagpapasalamat din tayo sa mga katoto nating sina Amor Virata at Armie Rico at Pasay Councilor Moti Arceo na mabilis na umalalay sa inyong lingkod matapos mabiktima ng basag-kotse gang.

Inuulit lang natin ang mensahe — mag-ingat sa basag-kotse gang na nagyayaot diyan sa Roxas Boulevard hanggang sa Mall of Asia (MOA) — huwag kayo mag-iiwan ng valuables sa loob ng kotse kung walang bantay.

At sa mga pusakal na basag-kotse gang — KAIINGAT kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *