NASA Davao ang inyo pong lingkod nitong nakaraang long weekend.
Sa Davao, hindi pinag-uusapan ang martial law, kasi wala namang kakaibang nangyayari sa kanila.
Nanatiling tahimik at normal ang mga pangyayari sa kanilang lalawigan.
Wala man lang atmosphere na may martial law sa Mindanao kapag nasa Davao kayo dahil wala kayong makikitang nagkalat na pulis o sundalo.
Sa Airport, ang nakita natin dalawang pulis sa checkpoint pero hindi rin ganoon kahigpit.
Nakausap nga natin roon ang ilang Chinese na halos 12 taon nang naninirahan at nagnenegosyo doon. Sabi niya, maraming Chinese national mula sa mainland China ang nais tumira at magnegosyo sa Davao…
Kasi sa Davao walang kotong!
Walang nangha-harass sa kanila mula sa city hall at ibang government agencies.
Bukod diyan, mura ang bilihin lalo na ang pagkain. Hindi overpriced ang real estate. Naroroon din ang magagandang paaralan at unibersidad.
Higit sa lahat, tahimik ang buhay nila sa Davao.