TAPOS na ang maliligayang araw ng rice smuggling syndicate na matagal nang ginamit na ‘palaruan’ ang Subic Freeport Zone.
Inihayag ni Cabinet Secretary at National Food Authority (NFA) Council Chairman Leoncio “Jun” Evasco, Jr., hindi na puwedeng dumaan sa Subic Freeport Zone ang imported rice na papasok sa bansa.
Sa Zamboanga City port lamang puwedeng iparating ang inangkat na bigas.
“The Council has also agreed to remove Subic Freeport Zone as port of entry for G2P and to include Zamboanga City as port of entry instead,” ani Evasco sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Matagal nang napau-lat na ginagamit sa pagpupuslit ng imported rice ng smuggling syndicate ang Subic Freeport Zone, sa katunayan, noong nakalipas na Abril ay nasabat doon ng Bureau of Customs (BoC) ang 15,000 sako ng Thai White Rice na nakalagay sa 30 container vans, nang walang kaukulang import permit mula sa NFA.
Ipinaliwanag ni Evasco, ang binasbasan na “government to private rice importation” o Minimum Access Volume (MAV) ay darating sa bansa “in tranches.”
Ang 30% ng import volume quotas ay dara-ting sa bansa mula Agosto hanggang Setyembre 2017, habang ang balance ay sa Disyembre 2017 hanggang Pebrero 2018.
Binigyan-diin ni Evasco, “purely ministerial and mandatory” lamang ang magiging papel ni NFA Administrator Jason Aquino o pagpirma lang sa import permit na kai-langan ilabas sa loob ng isang araw.
Nanawagan si Evasco sa suporta ng mga bansa at pribadong kompanya na potensiyal na lalahok sa bidding.
Inilinaw ni Evasco, ang mga supplier na may nakabinbin na utang sa NFA hanggang 2017 ay tinanggal upang mas maraming bidders ang makalahok.
Itinakda sa 250,000 metriko tonelada ang aangkating bigas , minimum na 25,000 metriko tonelada hanggang sa maximum na 50,000 metriko tonelada ang isu-supply ng kuwalipikadong bidders.
Tiniyak niyang sisi-ngilin ang may mga utang at sasampahan ng kaso ang mga tatangging magbayad.
“Only the total costs is required for the bidders to bid out. Other expenses such as cost of freight, logistics and insurance will no longer be revealed since details are considered as trade secrets. Revealing such information will give unscrupulous traders and government officials ideas on which costs to pad and unjust,” dagdag ni Evasco.
Pare-pareho aniya ang “terms of reference” na itatakda sa lahat ng bids and awards committee sa lahat ng panrehiyong tanggapan ng NFA.
Magugunitang nagkaroon ng iringan sina Evasco at Aquino nang isulong ng NFA administrator ang “government to government rice importation scheme” na ayon sa Cabinet secretary ay hindi transparent at puwedeng magamit sa korupsiyon.
(ROSE NOVENARIO)