Bastos at aroganteng Koreano palayasin sa bansa
Jerry Yap
June 14, 2017
Bulabugin
GUSTO natin ipanawagan sa Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI) ang kahayupang ginawa ng isang grupo ng Koreano sa Pagcor Casino sa Maribago, Lapu-Lapu City.
Isa sa kanila ang nagwala at hinampas ng shoebox ang braso ng casino dealer doon na si Jhoanne Cristobal Mariano, 30 anyos.
Ang namalo ng shoebox ay si tarantadong SHUN HYUN SHIN, 40 anyos, kasama ang mga kapwa niya casino players din na sina HYUN JIN KIM at YEONG CHANG SONG pawang mga Koreano na sinasabing regular players sa Pagcor Casino sa Cebu.
Habang naglalaro ng baccarat ay nalasing as in lasing na lasing umano ang ungas na Koreano at nanggugulo sa kapwa casino players kaya minabuti ni Mariano na pagsabihan pero minasama ng nasabing senglot na dayuhan.
Walang kaabog-abog na dinampot ng gagong si Hyun Jin Kim ang nasa tabing shoebox at inihampas sa braso ng kaawa-awang biktima!
Wattafak?!
Dahil diyan ay nagkasugat at nagkaroon ng malaking pasa ang babaeng dealer kaya siya ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng lunas.
Wala talagang silbi ang mga security personnel ng mga casino sa totoo lang!
Isang pruweba na riyan ang nangyari sa Resorts World Hotel and Casino na sandamukal ang security personnel pero parang ‘sisiw’ lang na pinaglaruan ng gunman na si Jesse Javier Carlos!
Naging style na kasi sa mga casino sa bansa na bigyan ng maximum tolerance ang mga asal-aso na kanilang mga parokyano para maproteksiyonan ‘daw’ ang interes ng kompanya!
Pakengsyet!
Ito ang nagiging dahilan kung bakit nagiging asal-hayop ang ibang dayuhang customers lalo na kung nasasayaran na ng alak ang kanilang lalamunan.
Dapat din imbestigahan ng BI kung sakali ang VIP manager ng naturang casino na si DAI RAE LEE, isa ring Koreano, na siyang duty area manager nang mga oras na iyon!
I think it’s about time na supilin ang mga pang-aabuso at pambabastos na gaya nito, ng mga Koreano sa lahat ng mga casino.
Dito makikita ang totoong ugali nila lalo kung sila ay natatalo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap