Monday , December 23 2024
Chess

Pinoy woodpusher mula Kyusi gumawa ng ingay sa Singapore

GUMAWA nang ingay ang isang Pinoy na nakabase sa Singapore sa  ahedrez  para maiukit ang kanyang pangalan sa mas kilalang Lion City.

Naitala ni 1996 Philippine Junior Champion National Master Roberto Suelo Jr. ang 7.5 puntos sa siyam na laro para makopo ang ttulo ng Thomson Chess Fiesta-Cup Rapid event kamakailan sa Singapore.

Si Suelo na ang kasalukuyang trabaho ay bilang chess teacher sa Singapore ay pinanganak at lumaki sa Quezon City, ang dating anak ng isang shoe maker ay hindi makakalimutan matapos niyang pangunahan ang Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong woodpushers sa national championships title sa national inter-collegiate nitong dekada 90’s.

Tatlong manlalaro naman ang nakapagtala ng tig pitong puntos para magsalo sa ika-2 puwesto, na sina Heng Zheng Kai at Sean Christian Goh of Singapore at Joshua Juaneza ng Philippines.

“Once again Filipino woodpusher proved that we can shine in chess and that’s Roberto (Suelo) did, iI hope that we should give chess more attention in our country so that we can produce more champions in abroad.” sabi ni Reynaldo “Eric” Acosta, confidante ni Suelo, at top chess player mula Baseco, Tondo, Manila.

Sa Challenger section, isa pang Filipino bet sa katauhan naman ni Jomel Ortiz ang nakakuha ng third-overall matapos ipatupad ang  tie break points. Mas superior ang kanyang quotient kina fellow seven pointers Samuel Ho Khai Sheng, Xin Hong Kai, at  Bradley Tan Zhiren ng Singapore.

Tumapos si Jay Azel Chua Tze ng Singapore na undefeated sa nine outings para maangkin ang korona. Solo second place naman si Lucas Auyeung Chi Hung ng Singapore na may 7.5 puntos.

Sina NM Suelo at Ortiz, ay parehong active member ng International Churches of Christ (ICOC) sa Singapore.

Ang isa pang   top Filipino player na active member ng International Churches of Christ (ICOC) ay si US-based Grandmaster Julio Catalino Sadorra.

Final Standings:

(Open Section,

88 player’s field)

7.5 points—NM Roberto Suelo Jr. (Philippines)

7.0 points— Heng Zheng Kai (Singapore), Sean Christian Goh (Singapore), Joshua Juaneza (Philippines)

6.5 points—Tan Jun Hao

(Singapore), Olimpiu Urcan (Singapore), Emmanuelle Hng Mei-En (Singapore),

James Attwood (Australia),

Ray Pratik Burman (Singapore)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *