Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkakaisa laban sa terorismo

SA nangyayaring kaguluhan ngayon sa Marawi City ay patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga miyembro ng Maute Group at kung sino ang kanilang mga financier/protector.

Naniniwala tayo na may mangyayaring maganda sa kanilang imbestigasyon.

Hindi sila tumitigil sa pangangalap ng impormasyon para masawata nang tuluyan ang mga terorista.

Nagsama-sama lahat sa pag-iimbestiga kasama ang PNP, AFP at iba pang ahensiya ng gob-yerno.

Naniniwala tayo na kapag nagsama-sama ay magiging mabilis ang resulta at mapapanagot ang mga taong nanggugulo sa ating bansa.

Tiwala tayo sa kakayahan ng ating AFP at PNP na magagawa nilang iligtas lahat ng mga si-bilyang na-trap at marekober ang mga nasawi.

Makiisa tayo sa hangarin na makamtam ang kapayapaan sa Mindanao.

***

Nitong nakaraang linggo naaresto ng NBI Davao ang taong gumagawa at nagbebenta ng pekeng national at local goverment.

Ayon sa report, ang suspect ay kinilalang si Mark Anthony Montecalvo Pasion o alyas Jay. Siya ay inaresto dahil sa mga reklamo ng government offices sa Davao.

Buti na lang at naaresto ang taong ‘yan dahil marami ang naloloko at nabibiktima nito.

Nakahuli rin ang NBI ng mga counterfeit motor parts sa Cebu city, Mandaue at Lapu-Lapu City.

Kaya mag-ingat ang mga gumagawa ng kalokohan at ilegal dahil hindi kayo sasantohin ng NBI sa pamumuno ni Director Gierran!

***

Happy birthday pala sa aming Big Boss publisher na si kumpare Jerry Yap.

Wishing you all the best, kumpare and more birthdays to come.

Alam ng marami na napaka-low profile at humble mo sa kabila na marami kang natutulungan. Tulong na hindi ipinamamalita.

Hindi gaya ng iba riyan na konting tulong ay ibinabandera at isinusumbat pa!

Kaya ang laging dasal ko sa iyo, palagi kang malakas at malayo sa sakit kasama ang iyong buong pamilya.

Mabuhay ka kumpare!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …