Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hinanakit ni Digong

HABANG nagdurugo ang puso ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa dami ng nasawi at nautas sa bakbakan sa Marawi, nagngangalit din ang galit sa kanyang dibdib dahil lalong nabubunyag ang walang habas na korupsiyon sa 6-taon administrasyon ni Noynoy Aquino.

At sino ang hindi magagalit?

Ang Liberal Party pa ang may ganang batikusin ang kasalukuyang administrasyon para pagtakpan ang kanilang atraso sa bayan.

Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi sinipot ni Pangulong Digong si Vice President Leni Robredo sa Luneta para itaas ang higanteng bandila bilang paggunita sa ika-119 Araw ng Kalayaan.

Hindi kayang makipagplastikan ng Pangulo sa pinakamataas na opisyal ng Liberal Party. Ang partidong wala yatang ginawa kundi guluhin ang administrasyon ni PRRD.

Sabi nga ng isang political observer kahapon, iba ang hilatsa ng ngiti ni VP Leni sa Luneta.

Parang ngiting ‘nagdiriwang sa tagumpay’ kahit maraming kababayan natin ang nasawi at nautas sa Marawi.

Kaya sa gitna ng pagdadalamhati, iniutos ng Pangulo na simula kahapon, ilagay sa half-mast ang bandila sa lahat ng tanggapan bilang pagluluksa sa mga nasawing bayani ng bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …