Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cavs, Warriors game 5 ngayon (Isa pa o kampeonato na?)

TATANGKAING dumalawang sunod ng Cavaliers at makahirit pa ng Game 6 samantala hahangaring tapusin ng Warriors ang serye sa muli nilang sagupaan ngayon sa Game 5 ng 2016-2017 NBA Finals sa Oracle Arena sa Golden State.

Nakahinga noong Game 4 dahil sa 137-116 panalo para maputol ang pagkakaiwan sa 3-1, sasandal muli ang Cleveland sa Big 3 nitong sina LeBron James, Kyrie Irving at Kevin Love.

Balak duplikahin ni LeBron James ang 29 puntos, 10 rebounds at 11 assists na triple double gayondin ang 40 puntos ni Kyrie Irving para maitulak ulit ang laro sa Game 6 na babalik sa Cleveland kung sakali.

Pumukol ng 24 tres ang Cavs sa Game 4, 49 puntos sa 1st quarter at 86 puntos sa 1st half, rekord sa all-time Finals history at kakailanganing magawa ulit iyon upang manalo sa Oracle na hindi pa natatalo ang home-team na Golden State sa playoffs.

Samantala, nadiskaril ang malinis na 16-0 baraha sana ng Warriors tungo sa kampeonato, susubukan naman nilang tapusin ito at hindi na paabutin pa ng Game 6 sa likod ng kanilang lider na si Kevin Durant sa kanyang 35 puntos sa Game 4.

Babawi ang Splash Brothers na sina Klay Thompson at Stephen Curry na nagkasya lamang sa 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kapwa hangad ng dalawang koponan ang ikalawang kampeonato sa kanilang ikatlong paghaharap sa loob ng 3 magkakasunod na taon.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …