PUMANAW na kahapon ang pangulo ng United Cycling Association of the Philippines (UCAP) na si Ricky dela Cruz, isa sa may-ari ng WESCOR Transformer Corporation.
Matapos ang dalawang linggo sa ICU ng Medical City sa Lungsod Pasig gawa ng atake sa puso, bumigay na ang punong haligi ng pinakamalaking tropa ng siklista sa bansa kamakalawa ng hapon.
Sinundan ni Ricky ang nakahiligan ng naunang yumaong nakatatandang kapatid na si Antonio “Loy” dela Cruz na pagbibisikleta, naging pangulo ng Philippine Amateur Cycling Association at chairman ng PhilCycling ang huli.
Naabutan ni Loy ang pagsikat sa UCAP ng kapatid niyang si Ricky, na pinakamalaking cycling group sa bansa, na nagpatuloy sa pagsikat ng padyakan sa Filipinas.
Naulila ni Ricky ang asawang si Luisa, mga anak na sina Patrick, Luigi at Yuri, kasama ang mga kapatid na sina Ditse, Imelda, Nery, Totoy, Boy, Philip, Jun at Lando, na nakaburol ngayon sa kanilang tahanan sa Tikling St. ng Vilillia Village, Caloocan City.