Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, ikinokonsidera bilang Valentina

MUKHANG nasa casting stage pa ang pagsasapelikula ng Darna ng Star Cinema with Liza Soberano as the final choice para gumanap bilang Pinay superhero.

Earlier kasi ay balitang si Anne Curtis ang kinuha to play Valentina originally played by Celia Rodriguez (noong nag-Darna si Vilma Santos). Eto’t hindi pumuwede si Anne to give way to another movie na pang-MMFF din yata.

Ang mahusay na si Iza Calzado rin ay ikinonsidera para sa isang role sa Darna but nothing specific yet.

Pero kung kami ang tatanungin, hindi mauubusan ang ABS-CBN ng mga bituing swak gumanap bilang mga kalaban ni Darna. Also, if we had our way ay mas excited kaming ibalik ang mga klasikong kontrabida sa kuwento—bukod kay Valetina—na Babaeng Impakta (played by Gloria Romero) at Babaeng Lawin (na ginampanan naman ni Liza Lorena).

Ang produksiyong Cine Pilipino ang nasa likod ng Lipad, Darna, Lipad that starred Ate Vi. Ito sana ang peg ng Star Cinema.

Again, nakatitiyak na ng tatlong slots ang film arm ng Channel 2 with the hopeful entries na ilalahok nila for selection, the two being Coco Martin’s Ang Panday at ang yet untitled movie ni Vice Ganda.

But with Darna in the race, box office-wise ay mukhang may tulog ang kay Coco, it might just come in second sa palakihan ng kikitain sa takilya.

‘Yun ay kung ibabalik muli ang commercial movies at hindi mamayani na naman ang mga indie films na hindi nakatulong last years sa revenues ng festival.

HOT, AW!- Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …