Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, excited sa mga fight scene sa La Luna Sangre

WALANG problema kay Kathryn Bernardo kung may eksenang kakagatin niya si Daniel Padilla sa La Luna Sangre.

Tinanong din si Daniel kung okey lang ba sa kanya ang magpakagat?

“Oo, anong masama roon sa pagkagat,” sambit niya.

Saan niya gusto magpakagat?

“Ako, sa lips sana,” tugon ni DJ na tumatawa.

Para sa serye, mapapansin din ang red highlight ng buhok ni DJ.

Paano ini-enjoy ng KathNiel ang ganitong klaseng serye na may action at fantasy?

“Nag-shoot kasi ako sa Quiapo, roon ang mga fight scene ko and sobrang na-enjoy ko ‘yung mga fight scene, ‘yung mga choreo dahil siyempre, ibang experience, eh. Tapos ‘pag nagagawa mo ng tuloy-tuloy, sobrang sarap gawin tapos nakakasama mo ‘yung mga tao sa Quiapo, siyempre naroon ang mga taong jeprox lahat. Makikilala mo lahat ng uri ng tao.

“Nakaramdam ako roon ng humility. ‘Yun ang mararamdaman mo roon sa lugar na ‘yun. Siyempre, ngayon lang din ulit akonakabalik doon. Doon ako bumibili rati ng jersey ko ‘pag may liga, eh. Babalikan mo ‘yung ganoong lugar after ng ilang taon, ang sarap,” bulalas pa ni Daniel.

May eksena siya sa Quiapo na habulan, may holdapan, at may fight scenes.

Looking forward din ba siya sa pagtatagpo nila at pakikipaglaban sa Supremo ng mga Bampira na ginagampanan ni Richard Gutierrez?

“Yes, pero training muna kasi kung ngayon, papatayin lang ako ni Richard,” pakli ni DJ na sinabayan ng tawa.

Filipino martial arts ang training na ginagawa niya na may balisong, arnis, at saka fighting.

Nagbiro rin siya na magiging fairy siya sa La Luna Sangre nang tanungin kung may taglay din ba siyang powers sa serye.

“Magkaka-chance na ganoon. Hindi naman ako puwedeng pumanhik sa mga bampira na mahina. Dapat malakas din ako,” tugon niya.

Inamin din ni Daniel na noong bata siya ay pinanonood niya si Richard bilang bida sa Mulawin. Pagbubuking pa ni DJ, hindi rin makapaniwala si Kathryn na kasama na nila ngayon ang dating Telefantasya King noong kapanahunan niya.

Kasama rin nila sa La Luna Sangre sina John Lloyd Cruz, Angel Locsin, Joross Gamboa, Gelli De Belen, Ina Raymundo, Randy Santiago, Sue Ramirez, Tony Labrusca, Bryan Santos. Ito ay sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina. Magsisimula na sa June 19 sa ABS-CBN 2 Primetime Bida.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …