Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

“Ilocos 6” palayain!

HALOS dalawang linggo nang nakakulong sa detention cell ng Kamara ang anim na empleyado ng Ilocos Norte Provincial Government matapos silang i-contempt ni Rep. Rudy Fariñas sa isinagawang pagdinig kaugnay sa paggamit ng P66 milyong tobacco excise tax na ipinambili ng mga sasakyan para sa tobacco farmers ng lalawigan.

Nakaaawa ngayon ang kalagayan ng tinaguriang “Ilocos 6” dahil sa ginagawang panggigipit ni Fariñas, na ang tinitingnang dahilan ay away-politika at nadamay ang mga kawawang empleyado ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte.

Lima sa mga detenido ay pawang may mga edad na, mga nanay na gustong makita at makasama ang kani-kanilang mga pamilya. Masama ang loob ng pamilya ng “Ilocos 6” dahil sa matinding panggigipit na ginagawa  sa kanilang mga mahal sa buhay.  Ang kanilang hinihigaan sa loob ng detention cell ay styrofoam na pinagdikit-dikit lamang at tagpi-tagpi ang butas-butas na bintana.

Kung bakit nga naman daw ganito ang trato sa kanila samantala hindi naman convicted criminals ang mga empleyado ng Ilocos Norte Provincial Government.   Bakit parang mga  kriminal na kung ituring ng Kamara ang “Ilocos 6?”

At mismong si dating Solicitor General  Estelito Mendoza, abogado ng “Ilocos 6” ang nagsabing walang legal na batayan ang pagpapakulong sa anim dahil sinagot nila ang mga tanong ng mga kongresista sa hearing ng house committee on good government and public accountability noong 29 Mayo.

Kaya nga, tama talagang sabihing politika ang dahilan kaya ginigipit ni Fariñas ang “Ilocos 6” sa pag-aakalang mga “tao” ni Governor Imee Marcos ang anim na empleyadong kanyang ipinakulong. Ang problema ngayon, mukhang nagagalit na kay Farinas ang mga Ilocano dahil sa kanyang ginawang pagmamalupit sa mga inosenteng empleyado ng kapitolyo.

Ang masakit pa nito, sa kabila ng pagpayag ng Court of Appeals sa petition for writ of habeas corpus na inihain ng anim na empleyado, mukhang binabalewala lamang ito ni Roland Detabali, ang House sergeant-at-arms, dahil hindi niya pinahaharap ang “Ilocos 6” sa korte.

Dahil sa pagsuway ni Detabali, pinagpapaliwanag ngayon ng CA ang Kamara kung bakit hindi siya dapat i-contempt sa kabila nang lantarang pagsuway sa kautusan ng korte. At sino pa nga ba ang malamang na nag-utos kay Detabili na huwag sundin ang kautusan ng CA?  Hindi ba, si Fariñas?

Mukhang malubha na ang away sa politika sa Ilocos Norte. Hindi na ba maawat ang banggaan ng mga Fariñas at Marcos? Ang naiipit at nasasagasaan kasi sa bangayang ito ng mga ‘higante’ ay pawang ang maliliit at kaawa-awang mga tao o empleyado ng lalawigan.

Payo lang natin kay Fariñas, huwag nang idamay pa ang mga kababayan niyang Ilocano sa kung anong giyera meron siya laban sa mga Marcos. Direktang upakan na niya si Imee at huwag nang magpaligoy-ligoy pa.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *