Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cavs luhod sa Warriors sa game 3 (Lumapit na sa NBA Title)

KINAPITANG muli ng Golden State Warriors si Kevin Durant sa  opensa sa homestretch upang sungkitin ang 3-0 serye matapos paluhurin ang defending champion Cleveland Cavaliers, 118-113 kahapon sa Game 3 ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) finals.

Kumana si Durant ng 31 points at walong rebounds upang lumapit ang Warriors sa pagbawi ng titulo matapos maagaw sa kanila ng Cavaliers nung nakaraang NBA season.

Sinalpak ni Durant ang importanteng trey para maagaw ng GSW ang manibela, 114-113 may 45 segundo na lang sa fourth period.

“All I was looking at was the bottom of the net,’’ saad ni Durant. ‘’I’ve been working on that shot my whole life. To see that go in, that was liberating, man. We’ve got one more to go.’’

Nag-ambag si Klay Thompson ng 30 puntos habang may 26 si Stephen Curry para sa Warriors na namumuro sa Game 4.

Kumayod si four-time MVP LeBron James ng 39 markers, 11 rebounds at siyam na assists habang may 38 puntos si Kylie Irving subalit kinapos pa rin para pasanin ang Cavaliers sa panalo.

Kailangan ng Cleveland na manalo sa game 4 upang manatili ang asam nilang back-to-back titles.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …