Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

San Diego, Woman int’l master na

KINAPOS  man sa Finals kontra Cuo Ruoutong ng China sa East Asia Junior Chess Championship sa Tagaytay City kamakalawa, naisukbit pa rin ni Marie Antonette San Diego ang mas malaking premyo.

At ito ang maging isang Woman International Master (WIM) na isang prestihiyosong titulo mula sa FIDE o World Chess Federation makaraang makalikom nang sapat na puntos ang 18-anyos Pinay sa U-20 Girls Division ng naturang torneo.

Tinalo ni Cuo si San Diego sa 5th round ngunit umariba si San Diego hanggang sa huling round upang makahabol sa 7.5 kabuuang puntos ni Cuo. Bagamat nagkasya na lamang sa segunda, sumapat ang puntos ni San Diego upang makamit ang prestihiyosong WIM title.

Kasalukuyang may 2126 rating si San Diego at nanatiling numero unong U-18 na manlalaro ng Chess sa buong Filipinas habang umakyat siya sa ika-19 sa Asya at ika-92 sa buong mundo.

Magugunitang noon pang 2012 ay naabot ng tubong Cavite na si San Diego ang World Fide Master o WFM na isang ranggo ang agwat mula sa bagong titulo niyang WIM.

Samantala, nagkampeon sa U-20 boys division si Novenra Priasmore ng Indonesia, sa U-18 boys naman ay naghari ang Pinoy na si Jeth Remy Morada at gayondin sa U-16 na pinangunahan ni Daniel Quizon.

Sa iba pang resulta sa girls division, ibinulsa ni Malaysian WFM Nur Nabila Azman Hisham ang kampeonato sa U-18 samantala si Sharfina Juwita Ardelia ng Indonesia ang nagreyna sa U-16. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …