Friday , November 22 2024

Pagbabago sa karerahan (Part-2)

KAPAG natapos na ang gagawing pag-eksamen sa mga bleeders ay agaran na isusunod na riyan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang pinakaaabangan ng nakararaming mananaya, iyan ang pagbabawas o paggarahe ng mga kabayong may diperensiya na sa kasalukuyan lalo na iyong mga dinadaan na lamang sa tinatawag na pain killer o pampamanhid upang maitakbo lang. Malaking proteksiyon din ang proyektong iyan para sa mga horseowners, na kadalasang ginogoyo o naloloko na nung trainer nila. Batid naman natin na medyo marami na rin  ang may diprensiyang mananakbo sa karerahan, na ang gagawin ni trainer ay tipo may “mema” lang, iyong memaysabi lang sa may-ari na okay na boss at kaya pang makatakbo nung kabayo natin.

Iwas pusoy nga naman si trainer sa may-ari kahit na hindi na talaga puwedeng ilaban ay nilalagyan na lamang ng pampamanhid o pain killer  at kapag may mangyaring masama sa takbuhan ay sasabihin na lamang ni trainer na “Boss, nalubak yung alaga natin”. Aguy-aguy-aguy, tinamaan ng magaling kang trainer ka dapat ay matanggalan ng lisensiya ang mga katulad na ganyan.

Yung mga kabayong may diperensiya  sa paa, tuhod, singit at balakang kung minsan ay delikado. Kaya naman dagliang isinusulong iyan upang lalong mabigyan ng proteksiyon unang-una ay iyong may-ari na namumuhunan, pangalawa ay si hinete upang hindi maaksidente, pangatlo ay si mananaya upang hindi malagay o mataya sa may diperensiya na at ang huli na matimbang diyan ay ang industriya ng karera.

Pagkatapos ng proyektong iyan ay magiging malinis at magaan na pagpili ng ating tatayaan, dahil malalagay at mababasa natin sa mga programa kung sino-sino ang mga bleeders at may diprensiyang kabayo bago natin tayaan sa bentanilya. Kaya malaking tulong iyan ng PHILRACOM para sa ating mga mananaya na malaman natin kung ano ang kalagayan ni kabayo at nasa atin na lamang kung isasama pa sa listahan bago magtungo sa bentanilya. Okidok.

REKTA’s GUIDE (Metro Turf/6:30PM) :

Race-1 : (4) Batas Kamao, (1) Ultimate Royal.

Race-2 : (2) Sparmate/Combaton, (3) Mighty Miggy.

Race-3 : (5) Fascinating Dixie, (7) Balicasag/Absoluteresistance, (2) Overwhelmed.

Race-4 : (3) Superal/CALOOCAN ZAP.

Race-5 : (6) LIGHT AND SHADE.

Race-6 : (6) CAT’s DELIGHT.

Race-7 : (6) Princess Meili, (3) Exhilrated/Giant Rainbow, (2) Cleave Ridge/Magic Square.

Race-8 : (5) Yes I Can, (4) Mi Bella Amore, (7) Cassie Dear.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *