Thursday , May 15 2025

Pagbabago tuloy-tuloy na sa industriya ng karera

DIRETSO  ang pagdating ng pagbabago sa industriya ng karera dito sa ating bansa matapos na naghigpit ang “Philippine Racing Commission” (PHILRACOM) sa pangunguna ni butihing Chairman Andrew A. Sanchez sa lahat ng miyembro ng Board Of Stewards (BOS) sa tatlong karerahan.

Sa mga nagdaan na karera ay kitang-kita rin ang paghihigpit ng BOS  sa mga  hineteng hindi gumagalaw nang maayos o iyong walang interes na manalo o matimbang man lang sa datingan ang kanilang sakay.

Bukod sa mga BOS ay tinututukan din ng maigi ng “Committee on Facilities And Conduct Of Races” ng PHILRACOM ang bawat galaw o pagdadala ng hinete. Tuwing araw ng Lunes (o Martes) ay masusing nirerebisa ng komite ang bawat takbuhan na naganap sa nakalipas na isang buong Linggo at ikinukumpara sa report ng mga BOS, at kapag may makita na hindi tugma ay ipinapatawag sa tanggapan ng PHILRACOM ang isang panig mula sa BOS o hinete na nakita o parehas upang mahingan ng paliwanag ang bawat kampo.

Hindi  lang mga BOS at hinete ang nahihingan ng paliwanag na mag-report sa tanggapan, kundi maging ang trainer, owner, club veterinarian o club racing manager ay pinapupunta rin kung kinakailangan.

Kaya sa usapin pa lamang na iyan ay walang natutulog sa panig ng PHILRACOM gaya nang pagkakaalam ng ibang mga klasmeyts natin, dahil sa totoo lang ay tunay na kakampi ng mga karerista ang nasabing ahensiya.

Nitong nagdaang Lunes ang naging talakayan sa komisyon ang usapin sa mga kabayong sumasargo o nadadale ng nose bleeding, na mabigyan ng karagadang pahinga ang isang mananakbo dipende sa grading o kalagayan ng pagdurugo na nararamdaman ni kabayo. Maliban pa diyan na kung gaano kadalas o mabilis ba na umulit ay pinabibigyan din  ng mas mahabang pahinga o hanggang sa tuluyan nang ipahinga at igarahe na si kabayo sa pagtakbo. Kung hindi pa naman igagarahe at kaya pang magamot habang nagpapahinga ng mga ilang buwan dipende sa ipinayo ng beterinaryo ay bawal din si kabayo na ensayuhin habang nasa bakasyon, at higit sa lahat ay mas bawal sa mga bleeders ang maensayo thru swimming dahil agarang puputok o sasabog ang ang respiratory organ na maaaring ikamatay ni kabayo.

Pero kung babae ang kanilang alaga ay kaya pang mapakinabangan dahil maaaring gawin na inahin habang bata pa o nakakayanan ni kabayo.

Kasabay niyang mga bleeders ay mas isinusulong din ni Chairman Sanchez na hulihin iyong mga “Downers” o mga kinakargahan ng pampatulog na nakakahina ng pagtakbo pagdating sa aktuwal na karera. Sa usapin namang iyang bukod sa penalty ay maaari rin na humantong sa taya lisensiya (revoke of license/s) sina trainer o/at may-ari ni kabayo kapag nagkataon. Sa totoo lang mga klasmeyts ay nagtungo at umikot na nakaraang week ang tanggapan ng PHILRACOM sa pangunguna na Director Andrew M. Buencamino at mga kasamahang beterinaryo ng ahensiya na kuhanan ng dugo ang mga kabayo na nasa tatlong karerahan. Kaya paglapas ng resulta ay alam na kung sino-sino ang mga nakargahan na na dapat i-monitor tuwing may laban o takbo si kabayo.

May iba pa tayong tatalakayin na pagbabago sa karerahan bukas sa ating kolum.

REKTA’s GUIDE (Sta. Ana Park/6:30PM) :

Race-1 : (3) Sikat/Principal Queen, (1) Batang Poblacion, (4) Power Hook.

Race-2 : (6) Conqueror, (7) Talon, (9) Kolby Boy/Humble Pie.

Race-3 : (4) My Big Osh, (3) Donttouchthewine, (1) Victory Choice.

Race-4 : (3) Silver Valley, (4) Rizing Force, (6) Stone Rose.

Race-5 : (8) Smart Tyler, (13) Windy Star, (7) Exciting Gal.

Race-6 : (1) Red Cloud, (4) Peter’s Pride, (7) Cold Lay Up/Proud Papa.

Race-7 : (8) Lady Leisure, (4) Purple Ribbon, (2) Concert King/Veni Vidi Vici.

Race-8 : (4) Hidden Eagle, (1) Alki.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *