Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batangas, Tanduay umiskor sa D-League

DUMALAWANG sunod na dikit na panalo ang Team Batangas  habang tinagay ng Tanduay ang kanilang unang panalo sa 2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Center sa Pasig City.

Isinalpak ni Cedric De Joya ang fastbreak lay-up mula sa mintis ni Robbie Herndon ng Wangs upang maitakas ng Batangas ang 91-89 tagumpay at kanilang ikalawang sunod na panalo sa Foundation Cup.

Kumana ng 14 puntos at 3 assists si De Joya habang nagliyab sa 25 puntos ang kanyang kasanggang si Joseph Sedurifa para sa Batangas na sumosyo sa liderato kasama ang Flying V Thunder sa 2-0 kartada.

Nauwi sa wala ang 27 puntos at 14 rebounds ni Herndon para sa Basketball Couriers na bahagyang lumagpak sa 1-1.

Samantala, tinagay ng Tanduay ang kanilang unang panalo sa liga sa pamamagitan ng paglasing sa CEU Scorpions, 75-60.

Nanguna para sa Rhum Masters ang dating manlalaro sa PBA na si Lester Alvarez sa kanyang 16 puntos habang nagdagdag ng 8 puntos at 11 rebounds si JayR Taganas.

Bagamat may 20 puntos, 14 rebounds at 2 supalpal si Rod Ebondo ay hindi pa rin sapat upang hindi mahulog sa 0-2 ang baraha ang Scorpions. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …