Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, si Ian kaya ang hinihintay na makatatambal sa pelikulang gagawin sa Star Cinema?

NALIWANAGAN na ang lahat sa hinaing ni Sharon Cuneta na ipino-post niya sa social media account niya sa nakaraang one-on-one interview kay Boy Abunda noong Biyernes sa Tonight With Boy Abunda.

Matatandaang isa sa mga hinaing ng Megastar ay ang pagkakaroon niya ng utang dahil may pinasok siyang good investment na inisip ng mga nakabasa ay baon siya sa utang.

Klinaro ito ni Sharon sa TWBA, ”my investments cost 8 to 9 figures and it’s not easy to sell something that costs P150-Mmillion. That’s like $3 million. I have enough. I am sorry and I don’t mean to brag, I am not bankrupt. I have been a billionaire before I married Kiko (Pangilinan).

“Ibig lang sabihin lang ng, ‘I owe so much money and there’s no one to help me’ ang parang ano ko lang, ‘kung nandito lang ang daddy ko.’ Ang dami niyang tinulungan yumaman, tapos wala pala akong malalapitan.”

Sa madaling salita, puro solid ang hawak ni Sharon at wala siyang liquid o cash on hand.

Inamin na rin ni Mega na wala silang namanang magkakapatid noong namatay ang magulang nilang si Pasay City Mayor Pablo Cuneta at Elaine Cuneta dahil naloko sila ng taong pinagkatiwalaan ng magulang nila.

“My parents trusted the wrong people and I am angry. My mom, a nurse of hers stole the money that came from the sale of our house from Dasmariñas, where we grew up. I mean, wala kaming minana,” umiiyak na kuwento ni Sharon kay kuya Boy.

Umiiyak ding sambit ni Sharon, ”I miss you, daddy. I miss you so much. I miss my life with you. I miss our house in Dasma, I miss being your child. I miss, little Sharon. I miss Sharon in her 20s. I miss you, mama. I miss being free to be me.”

At dahil dito ay inalo siya ni Kuya Boy.

Isa pang nagpalungkot nang husto sa The Voice Teen coach ay ang pagkamatay ng mga taong mahal niya at naging parte ng buhay niya na sina Willy Cruz, Tita Angge (Cornelia Lee), father-in-law na si Mr. Donato Pangilinan, at direk Wenn Deramas.

At sa kasalukuyan ay hinihintay na lang ni Sharon ang availability ng bago niyang leading man sa pelikulang gagawin niya sa Starcinema bago matapos ang 2017 dahil kasalukuyan itong may teleserye. Hmm, si Ian Veneracion ba ito?

DIEGO AT SOFIA,
INSPIRADO
AT NAGTUTULUNGAN

060517 sofia andres Diego Loyzaga

BASE sa tumatakbong kuwento ng Pusong Ligaw noong Biyernes ay inamin na niSofia Andres (Vida) kay Potpot (Diego Loyzaga) na napulot nito ang pera ng huli na gagamitin sana niya sa pang-enrol.

Pero ang masama ay nagastos ng dalaga ang perang hindi kanya kaya nagwawala ang binata dahil nga kailangan na niyang mag-enrol.

Samantala, inaabangan na ang horror movie na Bloody Crayons nina Diego at Sofia na ipalalabas na sa mga susunod na linggo pagkatapos ng Can We Still Be Friends.

Ang Bloody Crayons ay one year in the making dahil nag-back out na ang direktor na si Quark Henares at si Topel Lee ang pumalit bukod pa sa nagkaroon ng re-casting dahil ‘yung iba ay hindi na pumuwede sa schedule na ibinigay naman ng bagong direktor.

Kasama sa pelikula sina Elmo Magalona, Janella Salvador, Ronnie Alonte, Empoy, Maris Rascal, Yves Flores, at Jane Oineza.

Going back to Diego and Sofia, halatang inspirado sa isa’t isa base sa kuwento ng mga taga-production ng Pusong Ligaw dahil nagtutulungan lalo na kapag magka-eksena.

Pero siyempre, hindi pa rin patatalo ang  ibang cast ng Pusong Ligaw pagdating sa pag-arte dahil pagalingan sina Joem Bascon, Bianca King, Beauty Gonzales, atRaymond Bagatsing at take note, hindi nagpapahuli ang komedyanteng si Shalalabilang si Asyong.

Napapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime.

FACT SHEETReggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …