Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, may asim pa ang career

HINDI puwedeng kontrahin ang desisyon ni Robin Padilla kung tumanggi man siyang maging kontrabida sa Ang Probinsyano. Hindi siya kailangang i-bash na feeling pa siguro ni Binoe ay sikat pa siya at ayaw tumanggap ng supporting role.

Hello! Nagbibida pa naman si Robin. May napatunayan naman siya sa industriya at may career na dapat pangalagaan.

Kung sa tingin ng management niya at ni Robin na hindi swak ang alok para sa serye ni Coco Martin ay dapat ‘yun irespeto. Naging Action King naman si Robin at hanggang ngayon hawak pa rin niya ‘yan.

Grabe naman ‘yung fans ni Coco sa pagsasabing dapat tanggapin ni Robin ang katotohanan na tapos na ang panahon niya, na hindi na siya sikat. Kung maging kontrabida man ang magiging role nito, siguradong aalagaan naman ni Coco ang role niya, na maganda at mahaba ang exposure niya.

Hoy, may asim pa ang career ni Robin. Hindi lang niya feel siguro ang offer sa kanya. Tigil-tigilan n’yo siya. Bida nga  siya kasama nina Jodi Sta. Maria atRichard Yap sa gagawing bagong serye na Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Klaro!

NEW GENERATION HEROES,
ADVOCACY FILM NA MAY
PAGPAPAHALAGA SA MGA GURO

060517 Jao Mapa Anita Linda NGH

DAPAT talaga mapanood ng mga guro at estudyante ang pelikulang New Generation Heroes dahil isa itong advocacy film na tumatalakay sa values formation, rights to proper education, pagpapahalaga sa mga guro, at mga taong itinuon ang sarili sa pagtuturo.

Ang nasabing  pelikula ay pinangungunahan ni Aiko Melendez kasama sina Anita Linda, Jao Mapa, Joyce Penas, Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin Nakkasi, Aleera Montalla, Rob Sy, at JM Del Rosario. Ito ay sa direksiyon niAnthony Hernandez.

Ang New Generation Heroes ay base sa tunay na pangyayari. Ang ilang eksena ay kinunan pa sa Korea.

 

RICHARD, KAILANGANG
BUMAWI
SA NAGPAHINGANG
CAREER

042517 Richard Sarah Zion

POSIBLENG magsama sa isang serye sina Richard Gutierrez at ang ina ng kanyang anak na si Sarah Lahbati dahil pareho na silang Kapamilya.

Kahit magkatambal ang dalawa rati sa GMA 7, mas mabuting iwasan muna nila ang magsama.

Mas bagay si Richard na i-partner muna kina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Bea Alonzo o ibang Kapamilya  actress na big star. Mas okey kung magkaroon din sila ng project ni Sarah Geronimo.

Kailangang bumawi muna si Richard sa medyo nagpahingang career niya, huh!

 

GERALD, PROUD
NA MAKASAMA
SI CLAUDE-MICHEL
SCHONBERG

060517 Claude-Michel Schonberg gerald santos

NASA London ngayon ang Prince of  Pop na si Gerald Santos na nagre-rehearse ng Miss Saigon UK Tour na magsisimula sa July 1. Safe naman sila sa kabila ng mga kaguluhang nangyayari sa lugar.

Hindi naman natatakot si Gerald pero nagtatanong kung bakit ba ang gulo-gulo na ngayon. Katatapos lang kasi niyong Manchester at heto na naman.

“Theres a Terrorist Attack again.. This time here at London Bridge.. Whats happening nowadays.. May Gods protection always be upon us! þ,”mababasa sa Twitter account ni Gerald.

Pinayuhan din siya ng kanyang manager na si Dr. Rommel Ramilo na iwasan muna ang mga matataong lugar.

Tugon ni Gerald, ”Prayers will protect me Kuya. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa akin o sa mga kasamahan ko sa ‘Miss Saigon’.”

Anyway, proud si Gerald nang makasama niya sa isang picture ang French record producer, actor, singer, songwriter, and musical theatre composer na si Claude-Michel Schonberg. Siya ang composer ng Miss Saigon at Les Miserables.

“At last a picture with THE Claude-Michel Schonberg!! I must say his presence in the rehearsals is “really terrifying” in a very good sense and it gives us more motivation and pump! #MissSaigonUK #Ireland #Tour #TheComposer #LesMiz #MissSaigon #TheMaestro #Perfectionist #GeraldSantosAsTHUY,” caption niya sa kanyang Instagram Account.

TALBOGRoldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …