Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Mestisang aktres, napipilitang kumapit sa patalim kahit may regular TV work

TABLADO ang isang aktres sa dating sexy star na noo’y nagbu-book sa kanya bilang dagdag-kita sa kanyang trabaho.

Obvious ang tinutumbok naming sideline ng aktres, hindi kasi sapat ang kanyang kinikita para tustusan ang kanyang mga gastusin.

Lately ay tumawag ang aktres sa kanyang dating bugaloo. Nakikiusap ito na kung maaari’y i-book siya. Aniya, kinakapos siya. Lumalaki na rin ang kanyang mga bayarin.

Pero bigo ang aktres na hanapan ng solusyon ang kanyang matinding pangangailangan. Pinrangka kasi siya ng dati niyang kontak na aktres na matagal na nitong tinalikuran ang pambubugaw.

“Kung gusto mo, pauutangin na lang kita. Pero para i-book kita uli, sorry, hindi ko na gawain ‘yan,” panonopla nito sa aktres.

Da who ang mestisang aktres na kahit may regular TV work ay napipilitan pa ring kumapit sa patalim? Itago na lang natin siya sa alyas na Marissa Sinandomeng.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …