Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cavs reresbak, Warriors lalayo sa 2-0

TATANGKAING bumalikwas ng Cleveland Cavaliers habang susubukang lumayo ng Golden State Warrior sa kanilang muling harapan sa Game 2 ng best-of-7 NBA Finals ngayon sa Oracle Arena sa Bay Area.

Ibinaon ng Warrios ang Cavs sa Game 1 para sa kanilang ika-13 sunod na panalo sa playoffs. Buhat nang magsimula ang post-season, hindi pa nadudungisan ang Warriors.

Muli silang sasandal sa bagong puwersa at dating MVP na si Kevin Durant na kumana ng 38 puntos, 8 rebounds at 8 assists noong Game 1.

Susuporta sa kanya ang 2-time reigning MVP na si Stephen Curry na nagbuslo ng 29 puntos.

Samantala, susubukang itabla ng Cleveland ang serye sa 1-1 sa likod ng kanilang punong kabalyero na si LeBron James.

Bagamat may 8 turnovers, bumandera si James para sa Cavs sa kanyang 28 puntos, 15 rebounds at 8 assists. Makakaasa siya sa kasanggang si Kyrie Irving na kumonekta ng 24 puntos.

Tutulak ang serye sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio para sa Games 3 at 4 bago bumalik sa Oracle Arena na bahay ng Golden State sa Game 5 kung sakaling kinakailangan pa.

Hangad ng Warriors ang ikalawang titulo sa tatlong taon habang back-to-back championships naman ang habol ng Cavs.

Ito na ang kanilang ikatlong sunod na tapatan sa Finals. Nagwagi ang Golden State noong 2015 bago nakaresbak ang Cleveland noong 2016.  (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …