Saturday , November 16 2024

Caravan ng Piston tatapatan ng LTFRB

NAKAHANDA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa nakatakdang malawakang protesta na ikinasa ng grupong PISTON kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw.

Ayon kay LTFRB board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada, inatasan na ang mga regional director ng ahensiya para makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang LTFRB sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Una rito, inianunsiyo ng PISTON na magsasagawa sila ng transport caravan sa Metro Manila.

Magkakaroon anila ng tigil-pasada sa ilang bahagi ng Visayas, kabilang ang Capiz, Aklan, Iloilo at Negros Occidental.

Susubukan ng grupo na magsagawa ng rally sa Mindanao sa kabila ng deklarasyon ng martial law roon dahil sa pagsalakay ng mga terorista sa lungsod ng Marawi.

Layon ng protesta na ipakita ang pagtutol ng grupo sa plano ng gobyerno na i-phaseout ang mga jeepney.

Habang iginiit ni Lizada, tanging mga bus at UV Express van lamang na may edad 15 taon pataas ang sakop ng phaseout sa ilalim ng omnibus franchising guidelines, na nakatakdang opisyal na pirmahan sa 19 Hunyo.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *