MAHIGIT 26 milyong estudyante mula kindergarten hanggang grade 12 ang inaasa-hang papasok ngayong school year sa K-12 e-ducation system, ayon sa Department of Education (DepEd) kahapon.
“Projected kinder to grade 12, more or less 26,969,816 (students), public and private school,” pahayag ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali.
Sinabi ni Umali, mayroong 8.2-porsiyentong pagtaas sa enrollees nga-yong school year bunsod ng bagong grade 12 level sa Philippine education system.
“Dahilan po niyan ay mayroon po tayong isang bagong taon, new year, grade 12,” aniya.
Ipinunto ni Umali, ang ibang estudyanteng hindi pumasok sa college ay nagdesisyong mag-enroll sa grade 12.
“Yan ay pinaghahandaan po natin at iba pong bugso ng estud-yante,” aniya.
Samantala, sinabi ni Umali, ang DeEd ay bi-nigyan ng kabuuang P543 bilyon budget nga-yong taon, sapat para sa pinansiyal nilang pangangailangan.
“We have sufficient amount to construct more or less 47,000 classrooms at to hire 53,000 more or less teachers,” ayon kay Umali.