CAN you be friends?
Si Gerald Anderson, oo naman. Puwede makipag-friend with an ex. But it depends on the ex!
Sa presscon ng Can We Be Friends, ‘yan ang tinuran niya sa tanong kug puwede silang maging friends nina Kim Chiu o Maja Salvador.
He is currently working with Kim. Though it took a while bago sila bumalik sa zone ng pagiging friends at magkatrabaho. Play nga kay Gerald na manood ng movie nila ni Arci Muñoz ang kanyang exes dahil makadaragdag ‘yun sa gross ng pelikula. Pero! Hindi niya masiguro kung mai-invite niya si ex number 2! Sabi ni Gerald alam na namin ang dahilan. Kami na naman? Haha!
Anyways, masaya ang “landian” nila ni Arci sa presscon. Talk about bumubulang kili-kili at hindi naitago ni Arci ang hotness na pakiramdam niya kay Gerald na ang tingin naman niya eh, si Zac Efron. Na pinapantasya niya.
Ergo, pinapantasya niya rin si Ge!
May puwang kaya for them to be friends lang or…
Prime Cruz directs from the script of his girlfriend Jen Chinuansu for Star Cinema.
HARDTALK – Pilar Mateo