Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikatlong yugto ng Cavs-Warriors sisiklab ngayon

MATAPOS ang isang linggong paghihintay ng basketball fans sa buong mundo, sa wakas ay masasaksihan na ang pinaka-inaabangang trilogy ng salpukang Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers.

Magpapang-abot ngayon, sa ganap na 9:00 am (Manila time) ang dalawang koponan para sa Game 1 ng 2016-2017 Finals sa bahay ng Warrior sa Oracle Arena sa Bay Area.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng NBA na maghaharap sa tatlong sunod na Finals ang dalawang koponan.

Nanalo sa una nilang sagupaan noong 2015 ang Warriors, 4-2 at itinanghal na MVP si Andre Iguoadala ngunit maraming nagsasabing naiba sana ang resulta kung nakapaglaro para sa Cavs ang mga injured noon na sina Kevin Love at Kyrie Irving.

Sa ikalawang tapatan noong 2016, bumalikwas ang Cavaliers nang burahin ang 3-1 abante ng Warriors at kompletohin ang pinakamalaking pagbalik sa serye sa kasaysayan ng NBA. Nanalo ang Cavs 4-3 at pinarangalang Finals MVP si LeBron James.

Hindi ito nakaligtas sa puna dahil nasuspendi sa Game 5 si Draymond Green sa limit na technical fouls sa playoffs, may iniindang injury si Stepheh Curry gayondin si Iguodala at hindi na nakalaro mula Game 6 si Andrew Bogut.

Ngayong taon, wala nang dahilan ang bawat koponan dahil parehong malusog at todo ang puwersa sa kanilang tie-breaker.

May mga bagong mukhang mapapanood sa Finals na paparating kompara sa naunang dalawang taon.

Sasandal ang Warriors kina Curry, Green at Thompson at sa bagong karagdagang puwersa na si Kevin Durant, ang NBA 2014 MVP.

Samantala, aasa ang Cavs sa Big3 nito na sina Love, Irving at James pati na sa mga bagong tirador na sina Deron Williams at Kyle Korver.

Lalaruin sa Oracle Arena ang Games 1 at 2 dahil sa homecourt edge ng Warriors bilang numero unong koponan sa buong NBA habang sa Cleveland naman ang Game 3 at 4. Kung sakaling ‘di pa tapos ang serye, balik sa Warriors sa Game 6, Game 5 sa Cleveland at sa Golden State uli sa Game 7.  (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …