Friday , May 9 2025

Akhuetie sabik nang makalaro para sa UP

NANG itarak ni Paul Desiderio ang nagliliyab na tres sa panalo ng UP kontra FEU sa Filoil Flying V Preseason Premier Cup kamakalawa, ‘di magkamayaw ang talon at nakabibingi ang sigaw ng bagong Fighting Maroon na si Bright Akhuetie mula sa kanyang kinauupan sa likod ng kanilang bench.

Nanalo ang Fighting Maroons, 71-68 para ibigay sa Tamaraws ang kanilang unang talo sa torneo at tumabla sa ikalawang puwesto sa 4-1.

Bagamat nagalak sa tuwa dahil sa krusyal na tres ni Desiderio upang kompletohin ang comeback win ng UP mula sa 10 puntos na pagkakaiwan, may inamin ang Nigerian na si Akhuetie.

“Today, I’m not surprised because I know they can play. I just wanted them come back. I told them, we just can’t finish good but then went he (Desiderio) takes that shot, I knew it was coming. I wanted them get back on one last defense which they did,” aniya.

Nitong Enero, binulaga ni Akhuitie ang collegiate basketball nang lumipat mula Perpetual University sa NCAA patungong UP sa UAAP. Bagamat  kailangang magbuno ng 1-year residency rule, hindi aniya naiinip si Akhuetie.

“For now, that is what I need to keep doing. I just have to support the team, encourage the guys and talk to them and say they can do it, they can play better. So far, I’m enjoying it, these pre-season games are fun.”

Inamin din niyang hindi siya nahirapang mag-adjust nang dumating sa UP dahil para sa kanya, iisa lang ang basketball – ang hugis ng bola at ang lawak ng court.

“No, not at all because is the same basketball atmosphere. That’s the beauty of basketball, it is universal. I just need to adapt in the system, to fit in the game and I will be okay,” dagdag niya.

Ngunit hindi por que hindi siya naiinip ay hindi na niya hinahanap ang laro. Sa Season 81 pa makalalaro si Akhuetie para sa Fighting Maroons at sabik na sabik na siyang magpakitang-gilas muli.

“I’m very, very excited,” pagtatapos niya. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *