NAGHAIN ng resolus-yon ang 15 senador na nagpapahayag ng suporta sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao at suspensiyon sa pribilehiyo sa writ of habeas corpus sa nasabing rehiyon.
Sa pamamagitan ng Proclamation 216, isinai-lalim ni Duterte ang buong Mindanao sa martial law makaraan kubkubin ng teroristang grupo ang Marawi City, naki-pagsagupa sa mga tropa ng gobyerno, at dinukot ang ilang sibilyan.
Inihain nitong Lunes, ayon sa Senate Resolution 388, ang ginawa ng Maute group ay pagtatangkang agawin ang bahagi ng Mindanao mula sa Phi-lippine government, na isang rebelyon, naging dahilan upang ideklara ang martial law.
“The Senate finds the issuance of Proclamation No. 216 to be satisfactory, constitutional and accordance with the law. The Senate hereby supports fully Proclamation No. 216 and finds no compelling reason to revoke the same,” pahayag sa resolusyon.
Kabilang sa lumagda sa resolusyon sina Senate President Aquilino Pimentel III at senators Vicente “Tito” Castelo Sotto III, Ralph Recto, Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Sherwin Gat-chalian, Richard Gordon, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Emmanuel Pacquiao, Joel Villanueva, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri.
Nauna rito, limang senador mula sa minority bloc, sina Francis Pa-ngilinan, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV at Bam Aquino, ang humiling ng joint Congressional session para talakayin ang pagde-deklara ng martial law.