MAHALAGA ang bawat sandali na bigyan ng agarang lunas bago mahuli ang lahat at maging sanhi upang bumagsak nang tuluyan ang imahe ng ating bansa kung hindi kikilos ang kinauukulan na wakasan ang lahat ng uri ng kriminalidad na sumisira sa lahat ng ating industriya lalo na ang turismo.
Naging malaking isyu at nakaaalarma ang natuklasang relasyon ng isang bandido sa isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nagbigay ng pagdududa na maging ang mga tagapagpatupad ng ating batas ay madali na rin napasok ng kalaban nang dahil sa hiwaga ng pag-ibig.
Ayon kay Malay Mayor Ceciron “Dodong” Cawaling, ang turismo ay isang biyaya gaya ng isang likas na yaman at bilyones ang pakinabang ng mga lalawigan ng Boracay sa lalawigan ng Aklan, Palawan, Bohol, Mindoro, at iba pang lugar na dinarayo ng mga lokal at banyagang turista dahil sa maayos na pamamalakad ng ahensiya at ng mga lokal na opisyal ng gob-yerno.
Pinag-aaralan niya ang isang paraan na hindi lalabag sa karapatan ng mga panauhin, lokal man o banyaga na darayo sa isla ng Boracay, isang hakbang na maglilimita o titimbangin kung nakabubuti ang sobra o siksikan sa nasabing lugar lalo sa panahon ng tag-init.
Dayo man o lehitimong residente ng Boracay ay maaaring makibahagi para magmatyag sa mga may kaduda-dudang kilos kapag naki-salamuha sa mataong lugar maging terorista, mandurukot, magnanakaw o ano mang uri ng masasamang loob.
Nadungisan man ng pagdukot ng mga dayuhan kasama ang ilang Filipino sa mga pang-tu-ristang lugar, ganon din sa ilang parte ng Mindanao na ikinasawi ng mga biktima nang mabigo ang mga suspek na makuha ang kanilang gusto.
Kung papansinin lang natin, ang Estados Uni-dos kasama na ang ibang malalaking bansa ay nagbigay ng babala sa kanilang nasasakupan na iwasan munang pumunta sa Filipinas dahil sa mga pangyayari. Ilang insidente ng kidnap for ransom na kumitil sa buhay ng ilang turista.
Ang mga pangyayaring pagdukot, pagna-nakaw at iba pang uri ng krimen ay lantaran na nangyayari rito sa ating bansa ay nangyari na rin sa bansang Mexico kung kaya bumagsak ang kanilang turismo na naging sanhi upang ipagbawal na ang pagpasok ng mga turista para mamasyal.
Hindi malayong mangyari ito sa ating bansa kung ang ating kinauukulan lalo ang militar at pulisya na maging seryoso sa kanilang trabaho hindi gaya ng ginawa ng ilan nilang kabaro na imbes pagsilbihan ang mamamayan, kapakanan ng kaalyado nilang bandido, at katiwalian ang nangingibabaw sa kanila.
Malaking porsiyento ng mga dayuhang tu-rista ay walang interes na magliwaliw dahil sa agam-agam kung kaya ipinanagpaliban muna nila ang kanilang pagdalaw dahil walang katiyakan kung kailan sasalakay ang mga kriminal upang sila ay pagnakawan o dukutin.
Ang lalawigan ng Aklan ay isa rin sa nakaranas ng insidente na isang operasyon ang naganap upang lansagin ang operasyon ng droga sa isla ng Boracay na nauwi sa pagpaslang sa umano’y hinihinalang drug lord ng Region 6.
Bagama’t tuwing may nangyayaring operasyon laban sa kriminalidad madalas na sinasabi na ito ay ayon sa nakalap na intelligence report, ang isang pinakawalang kuwentang report at gawang haka-hala na hindi kayang patunayan kung kailan nila ito sinimulan at saan nangyari ang pagmanman sa isang krimen ayon sa drawing na intelligence report.
SAKTO – Marde I. Infante