Monday , December 23 2024

Sylvia, raratsada sa paggawa ng indie film

EXCITED na ibinalita ni Sylvia Sanchez pagkatapos ng Q and A sa launching niya bilang first ever endorser ng Beaute’Derm products na gagawa siya ng indie film mula sa Cinema One Originals at magsisimula na siyang mag-shoot sa Hulyo.

Hindi binanggit ng aktres kung sinong direktor at anong titulo ng pelikula

“Hindi pa puwedeng sabihin kung anong title, pero horror ‘yun, hindi rin puwedeng sabihin kung ano ang role ko, basta kasama kong bida ay bata. Hindi ko pa alam sino ang direktor ko. Sobrang excited ako kasi ibang-iba ito, noong nabasa ko, ang ganda, kaya tinanggap ko talaga,” masayang sabi ni Ibyang (tawag kay Sylvia).

Pinuntahan namin ang website ng Cinema One Originals kung ano-anong pelikula ang pumasok sa finals na mapapanood ngayong Nobyembre 12-21 at ang mga ito ay, Nay, Nervous Translation, Throwback Thursday, Changing Partners, Historiographika Errata, Paki, at Si Chedeng, Si Apple, Si Louis Vuitton.

Ang kuwento ng ‘Nay ay tungkol sa batang ginawang aswang ng kanyang yaya na ididirehe ni Kip Oebanda na gumawa ng Tumbang Preso (2014), Bar Boys (2016) at  nominado bilang Best Editing (Cinema One Currents) para sa Shift sa nakaraang Cinema One Original Digital Film Festival 2013.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay tinext namin si Sylvia kung itong ‘Nayang gagawin niya na ang kuwento ay tungkol sa aswang,”’di pa malinaw kung aswang, basta may horror,” say ng aktres.

Maraming beses na ring gumawa ng horror films si Ibyang pero naiiba  ang papel niya sa gagawin niya kaya excited siya.

Inamin ding mapili na ngayon sa mga gagampanang papel si Sylvia, ”ang hirap sundan ng role ni Gloria. Ayoko kasi niyong halos kapareho ng role kong Gloria, gusto ko iba naman, kaya talagang mapili na ako sa role na io-offer sa akin, kung puwedeng mas kayang higitan si Gloria sana mayroon.

Abot-abot naman ang pasalamat ni Sylvia sa mga pumupuri at nagbigay ng chance sa mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde bilang sina si Joaquin Tuazon saFPJ’s Ang Probinsyano at Dra. Guia sa My Dear Heart.

Serye nina Jen at Gil, 11 weeks lang tatagal

HAYAN, inamin ng direktor ng My Love From The Star na si Binibining Joyce Bernal na hindi aabutin ng isang season ang Pinoy remake nito base sa kontratang pinagkasunduhan ng GMA7 at ng Korean producer.

“Mga 11 weeks, kasi ganoon lang ang kontrata sa Korea, ‘di ba sa Korea, twice a week lang ipinalalabas ang Koreanovela nila? So if ever na ma-extend kami, one week lang ang allowed,” kaswal na sabi sa amin sa kabilang linya.

Sinadya naming tawagan si direk Joyce tungkol sa nabalitaan naming dalawang buwan lang ipalalabas ang serye nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Parang mas matagal pa ang preparation na ginawa ng GMA 7 sa pagpapa-audition sa leading man ni Jen at sa training na rin ng aktres kay Jonas Gaffud para sa karakter nitong isang sosyal na manager.

Sa pag-ere ng serye nina Jen at Gil, makakatapat muna nila ang My Dear Heart na tatlong linggo pang mapapanood at saka papasok ang La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Natawa kami sa sagot ni direk Joyce nang malaman niya ang makakatapat, ”bahala na si Lord, ha, ha.”

Aba’y oo naman, alam naman siguro ni direk Joyce na malakas ang KathNiel kaya siya nakapag-react ng ganoon at maging ang isa sa TV executive ng GMA ay kabado rin kung sino ang katapat ng serye nila kaya nga kinukulit kami kung kailan papasok ang La Luna Sangre.

Kung 11 weeks lang ang Pinoy version ng My Love From The Star, mahihirapan na itong makaalagwa sa unang tatlong linggo dahil mainit na ang kuwento ng My Dear Heart na hindi na binibitawan ng manonood at pahulaan kung gagaling o hindi na si Heart (Nayomi Ramos).

At ang natitirang walong linggo ng MLFTS ay papasok naman ang prequel ngImortal nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin na bawal na bawal na magkagustuhan sila.

Kaya aabangan din kung sino kina Daniel at Kathryn ang anak nina JLC at Angel.

Pero, binibigyan pa rin namin ng benefit of the doubt ang serye nina Jennylyn at Gil dahil iba naman ang genre nito at may sariling audience rin naman ang Pinoy remake ng MLFTS at higit sa lahat, marami namang fans ang dalawang bida, ‘di baAteng Maricris?

Xian, inalis ang IG dahil depressed

HMM, trulili kaya ang sitsit sa amin ng aming source na kaya inalis muna ni Xian Lim ang kanyang Instagram account ay para ma-miss siya ng tao o ng supporters niya?

Magiging abala rin kasi ang aktor turned singer sa paghahanda ng concert niya na magaganap ngayong Hulyo sa The Theater Solaire Resorts and Casino hindi siya magpo-post ng anumang litrato niya para maging surprise ito sa tao.

“Test din kung hahanapin siya ng tao,” sabi ng source namin.

Hindi na kami nag-comment pa sa sinabing ‘test at kung hahanapin ng tao’ dahil ano ng aba dapat ma-miss kay Xian Lim?

May mga nagsabi na depressed ang aktor dahil nga wala siyang teleserye ngayon at hindi na niya nakakasama ang reel and real loveteam niyang si Kim Chiu dahil bumalik na sa orihinal nitong ka-loveteam na si Gerald Anderson sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBNbago mag-It’s Showtime.

Going back to Xian, hindi lang ang concert ang pagkaka-abalahan niya kundi may mga corporate show din siya.

Eh, ‘di maganda, at least visible pa rin si Xian, hindi nga lang sa harap ng kamera at social media ngayon.

FACT SHEETReggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *