Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, planong mag-madre kaya wala pang BF

“PARANG planong mag-madre yata ni Shaina (Magdayao), tawag nga sa kanya, sister Shaina,” ito ang tumatawang sabi sa amin ng ate Sheila Moreno ng aktres nang makita namin kamakailan sa coffee shop kasama ang kaibigan.

Kinumusta kasi namin ang dalaga kung sino ang boyfriend ngayon ng kapatid, “wala naman, wala namang sinasabi sa amin at wala kaming nakikita. Busy sa taping niya, ‘di ba, ‘The Better Half’?” kaswal na sagot sa amin.

Hindi na kami nagtanong pa tungkol sa aktor na nali-link sa dalaga dahil mukhang wala naman talaga dahil hindi showbiz ang ate Sheila ng aktres at alam naming nagsasabi ng totoo.

Bukod sa tapings ay abala rin ang magkakapatid sa kani-kanilang mga negosyo. Katunayan, 19 years na ang Ystilo Salon nila sa Nobyembre 2017.

“Awa ng Diyos, Reggee, malakas naman maski maraming competition. Kabubukas nga lang namin ng Davao branch nito lang,” sabi pa ni ate Sheila.

Samantala, base sa umeereng kuwento ng The Better Half ngayong lingo, pipilitin ni Camille (Shaina) na alagaan si Marco (Carlo Aquino) kahit pa pigilan siya ng kanyang asawang si Rafael (JC De Vera).

Dahil nga iniligtas ni Marco ang buhay ng pamilya ni Camille mula sa sunog kaya may utang na loob siya sa rating mister at tutulungan itong gumaling sa pinsalang nakuha sa sunog.

Pero pangungunahan ng selos si Rafael dahil para sa kanya, hindi na kailangan pang magkita ang dalawa.

Ngunit magiging mapilit naman si Camille na magiging dahilan ng pagkakagulo ng kanilang pagsasama na duda naman si Rafael na hindi lang utang na loo ang tinatanaw ng asawa kay Marco.

Mapapanood ang The Better Half pagkatapos ng Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …