Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mari Jasmine, absent sa birthday celeb ni Sam

HINDI kapiling ni Sam Milby ang girlfriend niyang si Mari Jasmine sa ika-33rd birthday niya kahapon (Mayo 23) dahil kasalukuyang may trabaho ang dalaga sa Spain.

Pawang kaibigan ni Sam sa showbiz at buong Cornerstone family ang kasama niya sa birthday salubong noong Martes ng gabi na ginanap sa isang restaurant.

Nasa condo unit lang niya si Sam kahapon dahil nagpapahinga, nagkasakit pala siya bago dumating ang kaarawan dala ng mainit na panahon.

Hindi na natuloy ang plano ng singer/actor na pumunta ng ibang bansa sandali dahil sunod-sunod ang promo niya para sa album na Sam: 12 na pawang sold out ang CD’s sa ginanap nitong mall show sa Venice Piazza Grand Canal Mall, Taguig City at Harbor Point, Subic nitong magkasunod na weekend.

Natuwa si Sam dahil positibo ang feedback sa single niyang Who’s That Girl mula sa Star Music.

Back to work na ulit ang aktor dahil may mga pelikula siyang gagawin sa Regal Entertainment at Viva Films na hindi pa puwedeng i-reveal ang makakasama niya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …