Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Arogante at mayabang si Taguiwalo!

ANO ba ang pakialam nang pinagdaanang torture nitong si Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo noong panahon ng martial law sa hindi pagkakakompirma sa kanya ng Commission on Appointments o CA? Sobrang arogante nitong si Taguiwalo!

Kung na-bypassed man kasi ang appointment ni Taguiwalo, dapat lang na tanggapin niya ito dahil karapatan ito ng mga miyembro ng CA na hindi siya kompirmahin. At kung hindi niya matiis ang ginagawa ng CA, e, lumayas na siya bilang secretary ng DSWD.

Good riddance!

Ang problema kasi rito kay Taguiwalo, e, feeling importante at superstar siya sa kanyang puwesto sa DSWD. Anong karapatan niyang sabihin na sinasadyang i-delay ng CA ang kanyang kompirmasyon? Sino ba naman siya, ha?

Hindi ba kabilang itong si Taguiwalo na lumaban sa gobyerno, at sa totoo lang, nais nilang palitan ang sistema ng lipunan ng Filipinas?  Hindi naman totoong anti-Marcos lang sila dahil kaya nga sila nagrerebolusyon noon ay para itatag ang pambansang demokrasya tungo sa komunismo. Hindi ba?!

Tapos ngayon akala mo kung sino itong si Taguiwalo na magsasabing hindi dapat i-delay ang kanyang confirmation ng CA.  Ano ang utang na loob meron sa kanya ang (Republika) ng Filipinas para kaagad na siya ay kompirmahin ng CA?  Hoy, wala!

At hindi na dapat ulit-ulitin pa at ipagmalaki ni Taguiwalo na tinortyur siya ng militar noong panahon ng diktadurang Marcos.  Bakit siya lang ba ang lumaban at na-torture noong panahon ng Batas Militar?  Maraming mga “kasama” ang masahol pa ang pinagdaanan kompara sa nangyari kay Taguiwalo, pero tahimik lang sila at hindi maingay tulad niya.

Kaya nga tama lang na mapikon si Sen. Panfilo “Ping” Lacson kay Taguiwalo, at ngayon medyo nagdadalawang isip na ang senador kung dapat pa niyang suportahan ang kompirmasyon ng kalihim ng DSWD.

Kung ang lahat na nagiging miyembro ng Gabinite ay tinatanggap at pumapaloob sa proseso ng CA, dapat lang na gayahin sila ni Taguiwalo.  Hindi kailangang umasta siyang akala mo ay prinsesa at ipinagsisigawan pa sa kanyang Twitter account ang kanyang disgusto sa mga miyembro ng CA.

Kung talagang may prinsipyo si Taguiwalo, hindi na kailangan pa siyang magpunta sa susunod na confirmation hearing ng CA sa mga susunod na linggo.  Magbitiw na siya dahil puwede naman siyang makapagsilbi sa pamahalaan bilang makabayang mamamayan.

Uulitin lang natin, huwag nang ipagmalaki ni Taguiwalo na tinortyur siya dahil hindi lang siya ang dumaan sa pahirap ng mga berdugong militar noong nasa ilalim pa tayo ng Batas Militar.

Hindi dapat isinasangkalan ang pakikibaka para sa bayan. Nakahihiya!!!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *