Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OSY kritikal sa samurai ng kaaway

MALUBHANG nasugatan ang isang binatilyong out of school youth (OSY) makaraan pagtatagain ng samurai ng kanyang kaaway sa Pier 2, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Theogyl Cerdon alyas TJ, 15-anyos, ng Brgy. 20, Zone 2, Apex Compound, Pier 2, North Harbor, Tondo, nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Habang ang suspek ay kinilalang si alyas Niño, residente sa Gate 7, Area B, Parola Compound, Tondo, pinaghahanap ng pulisya.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 1:30 am ilang metro ang layo sa tahanan ng biktima sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng isang mahabang samurai at sumigaw ng “Tangina mo TJ, natiyempohan din kita,” at pinagtataga si Cerdon, saka mabilis na tumakas.

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …