Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan, nao-awkward ‘pag pinanonood ang sarili

KINAIINISAN ang karakter ni Megan Young na Monique, ang pangalawang asawa ni Zoren Legaspi sa pelikulang Our Migthy Yaya na isang prim and proper at English speaking na ayaw sa kanya ng mga anak ng huli at ng mga kasambahay.

Mahigpit na madrasta si Megan bagay na hindi maintindihan ng tatlong anak ni Zoren na akala nila ay gusto nitong palitan ang kanilang ina na sumakabilang buhay na at kinukuha ang atensiyon ng kanilang ama.

Kaya bilang ganti ay minamalditahan nila si Megan at hindi iginagalang bagay na napapansin n Zoren kaya pinayuhan ang asawa na kaibiganin ang mga anak niya.

Ang mga kasambahay naman kaya iritable kay Megan ay dahil nga English speaking at feeling nila ay mababa ang tingin sa kanila bukod pa sa sobrang higpit din sa loob ng bahay.

Kaya tinanong namin sa rating beauty queen kung gaano kalapit sa kanya ang papel niya sa Our Mighty Yaya.

“Medyo malayo, sa totoo lang. Iba, 360 (degress) po ‘yung character ko rito, the way kung paano niya i-handle ‘yung mga situation, iba. Straightforward din ako, pero may lambing.

“My character Monique is a person of authority ‘yung ginawa ko na talagang magagalit ako.

“Sa mga kasama namin, I tried to be nice, kinakausap ko ng maayos and I make sure na alam nila ‘yung mali nila by making them realize,” paliwanag ng aktres.

Samantala, ayaw na ayaw palang panoorin ng aktres ang sariling umaarte sa telebisyon o sa pelikula.

“I don’t use watching myself kasi nao-awkward ako kapag pinanonood ko ang sarili ko, parang nahihiya ako kahit na matagal na ako, hindi ko alam kung bakit, parang nahiya lang akong manood ng sarili ko.

“I tried though kasi paano ako mag-i-improve kung hindi ko panonoorin, pero habang nanonood ako, parang (naiisip) ko, hindi ako ‘yan,” tumatawang sabi ni Megan.

Pero diin ng mga katoto na very Megan naman ang karakter niya sa Our Mighty Yaya.

“Talaga, parang there’s a part of me there na ako, pero parang there’s a part of me na hindi ako.

“Hirap na hirap ako sa scenes, sobrang conscious effort, may mga scene na after kong gawin, nasasabi ko, ‘ang sama niya.’ Parang may pinanggagalingan naman ‘yung character, may mga angst sa buhay.

“Kasi sa movie, prim and proper ako kaya conscious effort, pero sa tunay na buhay, I’m a cowgirl,” pahayag ng dalaga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …