Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jericho, excited na sa pelikula nila ni Direk Paul Soriano SURFIN’ life!

Nakausap namin sa celebrity screening ng Luck at First Sight ang aktor na si Jericho Rosales na tuwang-tuwa sa pagtatambal nila ni Bela Padilla sa Dan Villegas project.

Nasubok ang chemistry ng dalawa sa husay ng pagyakap nila sa mga karakter nilang nagsugal sa buhay at pag-ibig. Comedy at drama ang tema. At maaaliw ka rin sa suporta nina Cholo Barretto at Kim Molina sa mga bida.

Naibalita rin ni Echo na pagkatapos maipalabas ng Luck… sasalang siya sa isang kuwentong inantabayan niya ng kay tagal dahil nakasingkaw ito sa tunay na siya. Bilang isang surfer.

Kaya for the rest of May, bababad sila sa La Union para simulan ang pinangarap din niyang pakikipagtrabaho kay direk Paul Soriano!

Samantala, graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang  Luck… kaya happy si direk Dan pati na ang mga producer ng N2 Productions na sina Boy2Quizon, Neil Arce, at direk Bb. Joyce Bernal.

Sumuporta ang mga kaibigan nina Bela at Echo at ng buong cast sa nasabing premiere gaya nina Sarah Lahbati at Piolo Pascual.

Umuwi naman ang pamilya ni Kim mula sa Saudi Arabia na roon nagwo-work ang mga magulang ni Kim para saksihan for the first time ang pagganap niya sa big screen kasama ang dalawa niyang nakababatang kapatid na lalaki.

Team luck ba kayo? O team love?

We were delighted sa kuwento ng pelikula. May tama sa puso kasi. Para sa magkakaibigan at sa pamilya. Nood na kayo. Now na!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …