IMBITADO ang Superstar na si Nora Aunor at Cannes 2016 Best Actress Jaclyn Jose sa ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) 2017, na gaganapin sa Kuching, Malaysia ngayong May 4-6, at ayon sa kanilang mga kampo, kompirmadong dadalo ang dalawang multi-awarded actresses.
Si Nora ay bilang special presenter ng AIFFA Lifetime Achievement Award recipient sa awards night (hindi pa ipinaaalam ng Malaysian organizers sa press kung sino), samantalang guest speaker naman si Jaclyn sa hiwalay na program.
Noong 2015, si Ate Guy ang pinarangalan sa kanyang iconic status sa Philippine movie industry (now on her 50th golden anniversary). Noon ding taong iyon ay tumanggap ang Chinese superstar na si Jackie Chan ng Asian Inspiration Award mula sa AIFFA.
Na-cut short ang Singapore trip ni Nora para sa kanyang voice therapy para dumalo sa Malaysia at lumipad via business class noong Mayo 2 at nag-check in sa Pullman Hotel.
Dalawang designer gowns ang pinagpilian ni Ate Guy na kanyang isusuot sa Gala Night sa May 6.
Looking forward naman si Jaclyn sa speaking engagement para makapagbigay inspirasyon sa kanyang kapwa ASEAN actors.
Last year (2016), lumikha ng history si Jaclyn nang magwagi bilang unang Southeast Asian actress sa Cannes International Film Festival para sa kanyang performance sa Ma’Rosa.
Samantala, ang siyam na Pinoy indie films na pambato ng Pilipinas sa 3rd edition na ito ng AIFFA ay ang Imbisibol ni Lawrence Fajardo; Purgatoryo ni Derick Cabrido, Dagsin (Gravity) ni Atom Magadia, Paglipay ni Zig Dulay, Pauwi Na ni Paolo Villaluna, Laut, at Area ni Louie Ignacio, Dayang Asu ni Bor Ocampo, at Ned’s Project ni Lem Lorca.
Ang mga ito ay ire-represent ng mga filmmaker at cast members ng bawat pelikula.
Ang AIFFA ay isang film competition by ASEAN countries tulad ng Philippines, Malaysia, Singapore, Indonesia, Cambodia, Laos, Thailand, Myanmar, etc.. Ang Malaysian na si Livan Tajang ang Festival Director.
Opening film ang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz. Hosts ng awards night sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez, awards presenters naman sina Cherie Gil (AIFFA 2015 Best Actress for Sonata) at Marlo Mortel, at await si Jason Dy.
Ang FDCP Chair na si Liza Diño-Seguerra ay imbitado rin upang maging guest speaker sa bukod na programa ng festival. Ang event ay mapapanood ng live sa tatlong araw (May 4-6) sa www.aiffa2017.com