Saturday , November 16 2024
drugs pot session arrest

Miyembro ng Kadamay, timbog sa buy-bust

INARESTO ang isang miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), nang maaktohan habang tumitira ng shabu, kasama ang dalawang iba pa, sa Pandi, Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Michael Morillo, 35, habang nakatakas ang dalawa niyang kasama na sina Rico Germar at Reynaldo Mauricio.

Sa ulat mula kay Chief Insp. Mike Bernardo, deputy chief of police ng Pandi, si Morillo ay kabilang sa Kadamay members na omukupa ng mga bahay sa AFP/PNP housing project sa Villa Louise.

Ibinunyag din ni Bernardo na kasama si Morillo sa daan-daan Kadamay members na sumama sa kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, at humihiling ng disenteng trabaho.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *