Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Banat sa Duterte admin ayaw tumigil

TALAGANG ‘di maawat ang ilang personalidad na banatan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kabila ng kabutihan niya at sa dami ng ginagawa sa ikabubuti ng ating bansa.

Kinasuhan kamakailan ng isang Atty. Jude Sabio sa ICC si Pangulong Duterte et al. Marami pa rin talaga na gustong pabagsakin si Tatay Digong at ang masaklap, isinama ang isang magiting na opisyal ng ating gobyerno at walang dungis ng corruption  na si NBI director Atty. Dante Gierran.

Anak ng baka naman!

Sa dami ng ginawa at accomplishments ngayon ng NBI ay isinabit pa si Gierran sa kaso.

Kaya pinagtatawanan lang niya ang kasong aniya’y  suntok sa buwan.

Anyway, tuloy ang suporta natin sa ating Pangulo at kay NBI Director Atty. Dante Gierran para sa ating bayan!

1 SMUGGLER SA PIER

Si alias Jay-ar Toelntino (JR) ay runner lang noon ng kapatid nya at noong matuto sa Pier ay naging full-time smuggler na.

Tinawag pa silang brother in smuggling sa BOC dahil puro baluktot ang trabaho at misdeclaration ang kargamento.

Pinangalanan sila ni Erap Estrada noon na kasama sa bigtime smugglers.

Dapat silang paimbestigahan ng Malacañang at ng NBI. Si Jay Ar ay sinabing may paupahang apartment sa Pasig na mahigit 50 units at sandamakmak rin ang luxury cars na kinabilangan ng BMW, MB, Hummer,etc.

Pinakabago umano ang malaking resort sa Barangay Magtaquing na Kabaleyan Resort na mina-manage ng anak niya at ginagamit na pang-corrupt sa mga taga-Customs na itinuturong kasabwat niya  sa smuggling.

Hindi tayo nakikialam kung gaano siya kayaman, ang mahalaga ay silipin ng NBI, Customs at BIR kung nagbabayad ba ng tamang buwis!

Maging ang runner niya sa pier na si Kid alias Raul Akasubaru na siyang tagahatag ng sobre sa mga corrupt na customs ay dapat nang ipahuli agad.

Isa pang bata niya, ang kapatid niya na si Tisoy na naka-bagong Subaro, BMW at mamahaling alahas.

Sila ang hari ng ‘palundag’ at misdec king, hari ng cellphone, hari ng ukay-ukay, alak, bakal at pekeng produkto galing China.

Kalusin na sila!!!

***

Congrats pala sa NAIA Customs sa sunod-sunod na accomplishments sa pamumuno ni Collector Ed  Macabeo.

***

Mahusay ang ginagawang trabaho ni CIIS director Col. Neil Estrella sa Customs. Hindi siya nagpapabaya sa kanyang mga tauhan at gusto niya ay mabigyan ng mga motor ang mga tao n’ya para may magamit sa anti-smuggling operations nila.

Isa si Estrella sa nagpapakinang ng image ng customs ngayon, marami na siyang magagandang accomplishments.

Perpekto ang tandem nila ni Commissioner Nick Faeldon.

Daang milyon na ang nasabat nilang kontrabando. Isa siyang asset ng gobyerno.

Mabuhay kayo Commissioner Faeldon at Col. Estrella!

God bless us all!

PAREHASJimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …