Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DoLE building nirapido (Sa Araw ng Paggawa)

PINAULANAN ng bala ng hindi nakilalang armadong kalalakihan ang punong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) kasabay ng Labor Day, sa Intramuros, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon ka MPD PS5 chief, Supt. Emery Abating, dakong 4:15 am nang pagbabarilin ng mga suspek ang DoLE main building sa Muralla Drive kanto ng Gen. Luna St. sa Intramuros.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ferdinand Leyva, naka-duty ang security guard ng DoLE, na si Ruel Artezuela, 33, sa information/reception desk, nang biglang ratratin ng mga suspek ang main door ng tanggapan.

Upang hindi tamaan ng bala, agad dumapa ang guwardiya hanggang tumahimik ang paligid. Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (BRIAN GEM BILASANO, may kasamang ulat nina Denny May Calago at Robeleyn Espinosa )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …