KINONTRA ng Philippine National Police (PNP) ang pag-ako ng teroristang ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa pagpapasabog sa isang peryahan na ikinasugat ng 14-katao sa Quiapo Maynila, nitong Bi-yernes ng gabi.
Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO), walang basehan at walang makapagtuturo na ang teroristang ISIS ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang lugar sa Maynila.
Ayon kay NCRPO director, Chief Oscar Albayalde, wala silang maka-lap na ebidensiya o indikasyon na ang tero-ristang grupo ang nasa likod ng nasabing pagsa-bog.
Sinabi ni Albayalde, bineberipika at iniimbestigahan ng pulisya ang pag-ako ng ISIS, ngunit sa nakalap na impormasyon, paghihiganti lamang ang isa sa mga motibo na kanilang tinitingnan batay sa mga ebidensiya at imbestigasyon ng Manila Police District (MPD).
Nabatid na naglabas ng pahayag ang ilang tero-ristang grupo, kabilang ang ISIS, na sila ang responsable sa Quiapo explosion.
“Madali lamang ang mang-ako at may mga insidente na rin na kini-claim ng ISIS na sila ang may kinalaman sa mga insidente nang sa gayon patuloy silang ma-recognized,” ani Albayalde.
Sa unang pahayag ni Albayalde, dalawang grupo o gang war ang dahilan at resbak ang pinag-ugatan ng pagsabog.
Isiniwalat din ni Albayalde, batid ng mga awtoridad ang kaguluhan sa lugar at maraming insidente sa Quiapo na nakarekober sila ng pipe bombs.
Sa kasalukuyan, May mga pangalan na silang tinutukoy at tinutugis kaugnay sa pagsabog sa Quiapo.
STF SA QUIAPO
BOMBING BINUO
INIUTOS ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Oscar Albayalde sa Manila Police District (MPD), ang pagbuo ng task force na tututok sa kaso ng pagpapasabog sa peryahan sa Quiapo, Maynila, na ikinasugat ng 14 katao.
Ang Special Task Force, kinabibilangan ng Special Operations Unit ng MPD, Criminal Investigation Division Unit (CIDU), at District Intelligence and Investigation (DIID), ay binuo upang mangalap nang mas malalim na impormasyon at ebidensiya.
Layon din ng binuong task force ang pagtukoy at pagtugis sa mga suspek sa pagpapasabog. Nauna nang sinabi ni Albayalde, nag-ugat ang pagpapasa-bog dahil sa away ng dalawang grupo sa lugar, kabilang ang isang pamilya ng Muslim laban sa mga tauhan ng peryahan na pinasa-bog sa Quiapo, Maynila. Sinigurado ni MPD director, Chief Supt. Joel Coronel, simpleng gang war ang ugat ng pagpapasabog, gamit ang isang pipe bomb, isang mahinang klase ng bomba, at imposibleng nagmula sa isang teroristang grupo na gaya ng ISIS. (BRIAN GEM BILASANO)