Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan, susubukan ang suwerte sa Hollywood!

MAGTUTUNGO sa USA ang 2013 Miss World na si Megan Young sa July para subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood.

Matagal ding pinag-isipan ni Megan ang pagtungo sa Hollywood katulad ng matagal din niyang pagdedesisyon na sumali sa Miss World Philippines and later on ay kinoronahan bilang Miss World 2013.

Kuwento ni Megan sa presscon ng movie nila ni Ai Ai Delas Alas, ang Our Mighty Yaya na mapapanood na sa May 10 bilang Mother’s Day presentation ng Regal Films, “Ako naman, tulad noong pag-join ko sa Miss World. It’s something na matagal nang pinag-isipan.

“Noon, nagising na lang ako one day na na-realize ko na gusto kong mag-join. It’s something na parang ‘yung gut feel ko. ‘Yun din ‘yung napi-feel ko ngayon.”

At dahil beauty titlist, hindi naman advantage iyon para makakuha ng proyekto sa Hollywood. “I don’t think it will be an advantage. At the end of the day, titingnan pa rin nila sa profile mo kung sino iyong babagay sa character.

“Yes, nasa portfolio siya ng agent ko but I think, wala nang ganoon pagdating sa casting.”

Dagdag pa nito, “I think, it’s better na matanggap on the merit of your acting and not because you’re a beauty title holder, although in some instances, it helps.

“I want to work where I want to be, pero marami pa rin siyang prosesong pagdaraanan.

“I’m not speaking long term but let’s see how thing will unfold from here, so, tingnan natin.”

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …