NANALO ang pelikulang 1st Sem at Area sa 50th Houston International Film Festival na ginanap sa Marriot Hotel sa Houston, Texas. Nanalo rin ditong Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa 1st Sem.
Ayon sa direktor nitong si Dexter Paglinawan Hemedez, “Masayang-masaya po kami sa pagkapanalo. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga nakasama namin sa pagbuo ng pelikulang ito. Maraming salamat din po sa lahat ng tumulong at sumuporta lalo na sa aming major sponsor ang Dannon Clothing. Nagpapasalamat din po kami sa CineFilipino para sa napakagandang pagkakataong ibinigay nila sa amin para magawa ang pelikulang ito.”
Dagdag pa ni Direk Dexter, “Hinihingi po namin ang suporta ng ating moviegoers, sana po bigyan nyo rin ng pagkakataon ang aming pelikula. Sinisiguro po namin na it’s worth your time, de-kalidad at very entertaining po ito. Higit sa lahat, napakaraming aral na matututunan hindi lang ng mga kabataan kundi pati na rin ng mga magulang. Alay po namin ito sa lahat ng ating mga nanay lalong-lalo na ang mga single mothers.
“Ito po’y isang family-comedy film na Graded-A by the Cinema Evaluation Board at highly recommended din ng Department of Education. Showing na po ito ngayon.”
Wagi ang pelikulang Area ng Special Jury Remi Award at Gold Remi Award naman ang nakuha ng movie nina Lotlot na co-director si Allan Michael Ibanez.
Sa FB post naman ng direktor ng Area na si Louie Ignacio, pinasalamatan at pinapurihan niya ang mga naging bahagi ng naturang pelikula: “Nagbunga muli ang pinagpaguran ng buong TEAM AREA!!!! MUla sa mga Magagaling kong Artista, mga Babaeng Taga AREA na nagbigay inspirasyon para maisulat at maikwento nila Ferdy Lapuz at Robby Tantingco. Ang mahigpit na pagbabantay mula pre prod, sa shooting hanggang Post production ng aming awardwinning na producer na si Dennis Evangelista kasama si Ferdinand Lapuz para makagawa ng isang obra. Sa aking napakagaling na Cinematographer Rain Yamson na kung ano ang itchura ng AREA ay nailabas ng makatotohanan sa Pelikula. Ang magaling at masipag kong Assoc. director Bong Alejandro Mirasol Ramos d’4
Melon Antonio at Katya!!! At ang Aming Nanay na nagsakripisyo para mai sa pelikula ang isang pangarap na Proyekto Ms. Baby F. Go sa tulong ni Romeo Lindain at ng buong BG Productions International!!!! At sa BUONG TEAM at staff na di ko nabanggit Mabuhay kayo at Mabuhay ang Philippine Cinema!!!!! Thank you Worldfest Houston International Film Festival Remy Awards sa pagkilala!!!!
Ang Area ay tinampukan nina Allen Dizon, Ai Ai delas Alas, Sue Prado, Sancho delas Alas, at iba pa. Ito ay ukol sa kuwento ng mga mumurahing prostitute at bugaw sa isang red house district sa Angeles City, Pampanga.
Ito na ang ikatlong international recognition ng pelikulang Area na prodyus ni Ms. Baby Go ng BG Productions International. Nauna rito, nanalo ang Area ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival sa Kazakhstan last September 30, 2016. Last month naman ay nagwagi si Ai Ai ng Best Female Actor award sa 7th Queens World Film Festival sa New York.
Kinilala rin ang Area sa katatapos na 15th Gawad Tanglaw Awards at binigyan ito ng Special award-Presidential Jury Award for Best Film. Plus, nanalo rin ito ng Best Story (Ferdinand Lapuz) at Best Editing (Gilbert Obispo).
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio