TATLONG lalaki ang sugatan nang magpaputok ng baril ang isang bombero habang may nagaganap na sunog sa Juan Luna St., Gagalangin, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat ni Senior Fire Officer 2 (SFO2) Edilberto Cruz sa Manila Police District (MPD), naganap ang sunog dakong 11:45 pm at naapula dakong 12:47 am at natupok ang dalawang palapag ng commercial type apartment sa 2606 Juan Luna St., Gagalangin, sakop ng Brgy. 161, Zone 14.
Napag-alaman, habang nagaganap ang sunog, biglang nakarinig ng mga putok ng baril sa lugar.
“Patapos na kami sa pag-aapula ng sunog nang magkaroon ng komosyon dahil nagpaputok ng baril ang isang galit na imbestigador ng BFP,” pahayag ng hindi pina-ngalanang opisyal ng fire vo-lunteer sa lugar.
Kinilala ang mga tinamaan ng bala na sina Laurence Andaya, 40, Leonardo Manuel, 45, at Ezekiel Alvarado, 30, pawang residente sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng pulis-ya, kinilala ang nagpaputok na isang SFO2 Gilbert Cruz.
Nauna rito, nakita si Cruz na nagtungo sa lugar na tila mainit ang ulo.
(BRIAN GEM BILASANO)