Saturday , November 16 2024
train rail riles

Bebot tumawid sa riles sapol ng PNR train (May kahuntahan sa cellphone)

NALASOG ang katawan at halos hindi na makilala ang isang parlorista makaraang masagasaan at makaladkad ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni S/Insp. Arnold Sandoval ng Manila District-Traffic Enforcement Unit (MD-TEU), ang biktimang si Marvic dela Cruz, 34, ng Phase 5, Block 15, Lot 37, Towerville, Minuyan Proper, San Jose Del Monte, Bulacan, agad binawian ng buhay sa insidente.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong 7:15 pm sa southbound ng Maria Clara St., kanto ng Antipolo St., sa Sampaloc.

Naglalakad ang biktima sa riles at may kausap sa cellphone kaya’t hindi napansin ang paparating na tren hanggang siya ay nasagasaan.

Samantala, sinabi ni Aejon Catura, driver ng tren, papalapit na sila sa lugar nang biglang tumawid ang biktima.

Tinangka ng driver na mag-emergency break ngunit hindi kinaya kaya nahagip ang biktima. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *