UMABOT sa 14 katao ang sugatan, kabilang ang limang kritikal ang kon-disyon, makaraan pasabugin gamit ang pipe bomb, ang isang perya-sugalan sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa limang kritikal ang kondisyon ang isang naputulan ng binti at isa pang nawakwak ang likurang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), posibleng responsable sa insidente ang isang Muslim na ama ng isang binatilyo, na pinagtulungang bugbugin ng tatlong lalaking tinaguriang Kahulugan bro-thers, pawang tauhan ng alyas Marissa na nagpapatakbo ng peryahan sa gilid ng Quezon Blvd., malapit sa kanto ng Soler St., Brgy. 391.
Napag-alaman, 26 Abril, nagreklamo kay Brgy. 391, Zone 40 Chairman Arnold Almario ang binatilyong si alyas Juju, laban sa Kahulugan brothers, sa kasong phy-sical injuries at child abuse.
Sumunod na araw, nagtungo sa peryahan ang ama ni Juju at hina-nap ang Kahulugan brothers ngunit hindi niya natagpuan.
Bunsod nito, galit na nagbanta ang ama ng binatilyo na pasasabugin ang peryahan na pinagtatrabahuan ng Kahulugan brothers.
Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, isang pipe bomb na nilagyan ng pulbura na ginagamit sa fireworks at firecrackers, at pinalamanan ng roscas bilang shrapnel, ang pinasabog sa lugar.
“Mayroong batang nabugbog at parang nagbanta ‘yung kanyang tatay. It so happen na ito pong batang ito ay isang Muslim at kaya po ‘yun po ang pinaghihinalaan nila at ngayon ‘yun pong tatay ay hindi po natin matunton, hindi po natin makita as of today,” ani Chief Supt. Albayalde.
Iginiit ni Albayalde, hindi isang terorismo ang insidente dahil sa uri ng ginamit na pampasabog at walang estrukturang nasira kundi ang nag-iisang mesa.
Ayon kay SPO3 Dennis Insierto ng District Intelligence and Investigation Division (DIID), kabilang sa mga biktima sina Ramon Carious, 46; Rolando Gubat, 45; Pepito Enriquez, 44; Mariano Genabel; Migine Lopez, 24; Mayvelyn Olipas, 19; Alvin Michael Vallila, 20; Clarissa Macaspac, 24; Amado Flores, 37; Patrick Bagnes, 26; Reynaldo Cabanilla, 28; Ruiz Convicto Jr., 32; at Wilfredo Tomagan, 22-anyos.
Paglilinaw ng pulisya, walang kinalaman sa ASEAN Summit ang nasabing pagsabog sa Quiapo, Maynila.
ni BRIAN GEM BILASANO
Kasunod ng Quiapo explosion
PANG-UNAWA, KOOPERASYON
HINILING NG PALASYO
HINILING ng Palasyo ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko sa mga ikinasang hakbang sa seguridad ng bansa, at sa idinaos na ASEAN Summit kasunod nang pagsabog sa Quiapo kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi konektado o sinadya ang insidente para gambalain ang ASEAN Summit dahil ang posibleng motibo nito’y gang war at hindi terorismo, batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulis-ya.
“The incident is not in any way connected or directed to the ongoing ASEAN Summit. We assure our people that security measures are in place in today’s event and ask the public for their full understanding and cooperation in this regard,” ani Abella.
Base sa ulat ng PNP sa Palasyo, dakong 10:48 pm kamakalawa nang sumabog ang isang home-made pipe bomb sa Quezon Blvd., kanto ng Soler St., sa Quiapo, Maynila, na ikinasugat ng 14 katao.
(ROSE NOVENARIO)