Friday , November 15 2024

Tulong-tulong sa seguridad sa ASEAN

NAGBIGAY ng mga tagubilin sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) si NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde biglang paghahanda sa pagbibigay ng seguridad at pagbabantay sa ASEAN Summit. (BONG SON)
NAGBIGAY ng mga tagubilin sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) si NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde biglang paghahanda sa pagbibigay ng seguridad at pagbabantay sa ASEAN Summit. (BONG SON)

MAGSISIMULA ngayon ang dalawang araw na pagtitipon ng mga lider ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) para pag-usapan at solusyonan ang mga isyung political at pang-ekonomiya ng rehiyon.

At habang abala ang iba’t ibang pamahalaan kung anong concerns ang ihahain nila sa summit, hindi na rin matatawaran ang ginagawang paghahanda ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, partikular ang Philippine National Police, para matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad at kaligtasan ng mga lider na dadalo kasama ang kani-kanilang mga delegasyon.

Mahalagang maging matagumpay ang 30th ASEAN summit para sa kapakinabangan sa bawat miyembrong bansa na kasapi nito. Pero kaakibat lagi ng pagtitipong ito ang threat ng terorismo at destablisasyon laban sa administrasyong Duterte.

Ang sinasabing layunin ng banta ng terorismo at destabilisasyon ay para hiyain sa international community si Duterte at ang bansa na siya ngayong host o chairman ng 2017 ASEAN summit.

Kaya nga nakapagdududa ang timing ng kasong isinampa laban kay Duterte sa International Criminal Court, ang sunod-sunod na banta ng terorismo sa Bohol at sa Mindanao na ang tunay na layunin ay maipahiya siya.

Kung inaakala nilang magtatagumpay sila sa kanilang layunin na di magtagumpay si Duterte ay nagkakamali sila. Ang ginagawang paghahanda ng PNP, kasama na rin ang Armed Forces at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan at higit sa lahat ang pakikipagtulungan ng taongbayan ang magiging daan para maging matagumpay ang summit.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *