PATAY ang isang police asset makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilala sa alyas na Juvilyn, 25-35 anyos, bunsod ng tama ng bala sa ulo at katawan.
Batay sa ulat ni Caloocan City Police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna, dakong 3:00 pm, dinala ng suspek ang biktima sa bakanteng lote ng BMBA compound sa Brgy. 120 at doon pinagbabaril.
Ayon sa ilang mga re-sidente, sa kanilang pagkakaalam ay nagtatrabaho sa Monumento ang biktima kaya nagulat sila nang mabatid na isang police asset si Juvilyn.
(ROMMEL SALES)