Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging walang arte ni Megan, pinuri ni Ai Ai

SI Ai Aidelas Alas ang bida sa Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment, ang Our Mighty Yaya mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

“Itong Our Mighty Yaya, simple lang naman itong movie. Ano lang ito, happy, hearth warming, at saka pampamilya. ‘Pag pinanood mo ito, sasabihin mo, ‘Ay, ang cute ng movie!,’” sabi ni Ai Ai tungkol sa kanilang pelikula.

Kung sa Our Mighty Yaya ay gumaganap si AI Ai bilang yaya, sa totoong buhay siyempre ay hindi siya isang yaya kundi may mga yaya o kasambahay siya. At masuwerte ang mga yaya/kasambahay ng Concert-Comedy Queen dahil maganda ang treatment niya sa mga ito.

“Hindi ko nga sila tinatawag na yayey, eh. Ang tawag ko sa kanila ay Angels. Kasi, Angel naman talaga sila kasi tinutulungan ka nila lalong-lalo na kapag busy ka sa trabaho. Yung iba, hindi mo na magagawa ‘yun, kung wala sila, hindi mo magagawa ‘yun, eh, ‘di ba? ‘Yung iba, ‘yun nga, iniiwan ‘yung pamilya nila para pagsilbihan kayo. And ‘yun nga kaya mahal ko ang mga yaya ko.”

Pero sa kabila ng pagiging mabait ni Ai Ai sa kanilang mga yaya/ kasambahay, ay may na-experience pa rin na hindi maganda sa mga ito ang kanyang mga anak noong bata pa ang mga ito.

“Nalaman ko sa ibang mga bata, ‘yung mga anak ko, pinapalo nila, binubugbog nila. Ang husband ko pa noon si Miguel Vera. Pinalayas na lang niya. Noong nalaman ko, naawa ako roon sa mga anak ko na sinasaktan ng mga yaya. Lesson na rin ‘yun na dapat may CCTV tayo sa bahay. Mabait ‘yung yaya niyong anak kong bunso kaya okey lang kahit wala kaming CCTV.”

Sa tingin niya, ano ang katangian ng isang ulirang yaya?

“Ako, ayoko kasi iyong sumasagot, eh. Gusto ko ‘pag kunwari, pinapangaralan ko o may mali siyang ginagawa, ‘yung ‘Yes Ma’am, Opo, pasensiya na po,’ ‘yun naa-appreciate ko ‘yun. Pero ‘pag sumasagot na mali naman ‘yung ginagawa, ‘yun ang ayoko,” sabi ni Ai Ai.

Kasama sa pelikula si Megan Young na first time nakatrabaho ni Ai Ai. Puring-puri ni Ai Ai si Megan.

“Napakabait na bata nitong si Megan. Napaka-cool, chill. At saka, professional. Darating siya sa set, walang arte. Hindi ka maiinis sa kanya. Maganda siyang katrabaho.”

Ang Our Mighty Yaya ay mapapanood na sa mga sinehan mula sa May 10.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …